Bulag na Ama ng Literatura
Kilala niyo ba kung sino ang itinuturing "Father of Ilokano literature," na isinilang na bulag at natagpuang inaanod sa ilog noong siyaây sanggol pa lang. Walang tala kung kailan talaga isinilang si Pedro Bukaneg, na kinikilalang Ama ng Ilocano literature, at may akda ng pamosong epiko na "Biag ni Lam-ang." Pinapaniwalaang 1592 nang makita at masagip ang sanggol na si Bukaneg na nasa tampipi habang inaanod sa ilog Banaoang. Ipinagkaloob si Bukaneg sa isang pari sa bayan ng Bantay. Dito ay bininyagan bilang Kristiyano ang bulag na paslit, at pinangalanang Pedro Bukaneg. Sa kanyang paglaki, kinakitaan ng talino si Bukaneg sa paglikha ng tula at awitin. Naging kapaki-pakinabang si Bukaneg sa mga pari dahil nagagawa niyang isalim sa diyalektong Ilocano ang salita ng mga mananakop na Kastila. Naging tulay umano si Bukaneg para mapalaganap ang Kristiyanismo sa lalawigan. Sinasabing si Bukaneg din ang nasalin sa Ilocono ng Doctrina Cristiana ni Cardinal Bellarmine. Ang kanyang pagsasalin ay inimprenta pa noon sa Augustinian Convent sa Maynila noong 1621. Hindi natukoy kung sino ang tunay na mga magulang ni Bukaneg. Tulad ng kanyang kapanganakan, hindi rin malinaw kung kailan siya pumanaw pero pinapaniwalaang nangyari ito sa pagitan ng 1621 hanggang 1626. - FRJimenez, GMA News