Bodyguard ng alkalde sa Bulacan nagwala, 2 patay, 3 sugatan
Dalawa ang patay at tatlo ang sugatan nang magwala at mamaril sa loob ng opisina ang bodyguard ng alkalde ng Guiguinto, Bulacan nitong Martes ng hapon. Sa ulat ni Bulacan police chief Senior Superintendent Fernando Mendez Jr., napatay sa naturang insidente ang nagwalang bodyguard na si Danilo Baña at ang municipal legal officer na si Atty Edwin Cerezo. Si Cerezo ay binaril umano ni Baña, habang si Baña ay napatay ng isa pang bodyguard ni Guiguinto Mayor Isagani Pascual. "Yung bodyguard nag-amok, lasing siya, influence ng alak (nang) pumasok sa office ng mayor at binaril ang tao sa loob. Isang bodyguard ang nakalaban at napatay ang nag-amok na tao," pahayag ni Mendez sa dzBB radio.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sa GMA news 24 Oras, kinilala ang mga nasugatan na sina Eduardo Brijino, Julius Ceasar Aguiluz; at PO1 Michael Mendoza. Ayon kay Pascual, lasing umano si Baña at posibleng nagalit nang harangin ito ng mga guwardiya. "Pakiramdam ko gusto akong kausapin siguro kasi porkeât nakainom baka hinarang nung may security, baka nagtampo, nagwala," ayon kay Pascual. Sinasabing may 10 taon nang bodyguard ni Pascual si Baña, na minsan na rin umanong nakulong dahil sa kaso ng illegal drugs. Aminado naman ang alkalde na napansin niya na may pagka-mainitin ang ulo nito pero kinuha niya dahil nais niya itong bigyan ng pagkakataon na magbago. - FRJ, GMA News