Dahil sa dami ng kaso ng dengue, mga pasyente sa TPH, siksikan na
Buwan ng Agosto pa lang, nahigitan na ang kaso ng dengue na naitatala sa Tarlac Provincial Hospital. Umabot na kasi sa mahigit siyam na raan ang kaso ng dengue sa buong Tarlac mula Enero hanggang Agosto a nuebe, kumpara sa 805 na kaso ng dengue noong 2010. Sa sobrang dami ng pasyenteng may suspected dengue, lagpas na sa maximum capacity ang nakaconfine sa naturang ospital. May tinatawag na isolation room ang Tarlac Provincial Hospital, pero sa dami ng pasyente, pati pasilyo ng ospital, may nakaratay na ring mga pasyente na may suspected dengue. Sa buong pedia ward nga kung saan may siyamnapung pasyente, 72 dito ang may suspected dengue. Ayon kay Dr. Juvie de Guzman, Pediatrician sa TPH, âMahirap talaga, tatlo o apat sa isang kama. Kaya lang since willing naman silang magsiksikan, tinatanggap natin sila". Apat na araw na naka-confine ang labindalawang taong gulang na si Michele. Dinala siya sa ospital nang kakitaan ng mga sintomas ng dengue. Ayon sa kanyang tiyahin, pasulpot-supot ang naging lagnay ni Michelle hanggang sa dinugo ang ilong nito. Natamaan din ng dengue ang binatang si Jason Cruz, pero duda ng ina nito, baka sa eskwelahan nakuha ng anak ang sakit. Ayon sa Provincial Health Office ng Tarlac, inaasahan pang tataas ang bilang ng kaso ng dengue kayaât patuloy ang kanilang paalala sa publiko. âMaglinis talaga, every day maghakot ng basura, film showing sa school at sa community. We do not advice fogging, it doesnât help anymore" Cecille Lopez-Zuasula, Epidemiologist, PHO-Tarlac. --Glamorfe L. Calicdan, GMANews