Bangkay ng umano'y salvage victim, natagpuan sa Mangatarem, Pangasinan!
Pasado alas sais kaninang umaga, inireport sa pulisya ang natagpuang kahina-hinalang puting sako sa bukid sa gilid ng Romulo Highway, Barangay Macarang, Mangatarem, Pangasinan. Nang itoây buksan ng otoridad, tumambad ang bangkay ng isang lalaki⦠Masasabing dumaan sa matinding pagpapahirap ang umanoây salvage victim⦠Bukod kasi sa pagkakatali sa mga kamay, ang buong mukha nito ibinalot sa plastic at packaging tape⦠Tinalian din ng alambre ang leeg nito⦠Nakilala ang biktima na si Jessie Peralta, kwarentay syete anyos, residente sa Barangay Baracbac sa naturang bayan⦠Ayon kay PO2 Joy Salvador ng Mangatarem Police Station, âItinapon lang doon hindi doon ipinatay kasi wala kaming makita na anumang ebidensya". Hindi pa masabi ng pulisya, kung ano ang motibo sa pagpatay sa biktima⦠Ayon naman sa mga kaanak, isang linggo na ang lumipas nang huli itong nakita⦠Bukod sa kalunus-lunos na dinanas ng biktima, inaalam pa kung may iba pang sugat sa katawan nito. Tumanggi naman daw ang mga kaanak nito na ipa-autopsy ang bangkay⦠Samantala, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon para malaman ang ugat ng pagpatay. --Glamorfe L. Calicdan, GMANews