Dahil sa pagsasagawa ng fogging operation, klase sa dalawang paaralan sa Dagupan City, kinansela
Kinansela ngayong araw ang klase ng mga mag-aaral sa dalawang pampublikong paaralan sa Dagupan City, ang Caranglaan Elementary School at Pascuala Villamil Elementary School para bigyang daan ang fogging operation. Minabuting huwag nang papasukin ang mga mag aaral na maaaring malanghap ang ginamit na kemikal. âYung mga bata, mahina pa ang resistance nila, baka ang kemikal makaapekto, lalo na sa dugo", ayon sa Caranglaan Elementary School Teacherâs Club President Julienne Caliuag. Gamit ang pesticide, isa-isang pinausukan ang mga silid aralan. Hindi rin nakaligtas sa fogging operation ang kasuluk-sulukang bahagi ng dalawang paaralan. Ayon kay Dagupan City Councilor Jess Canto na siyang nanguna sa fogging operation, walang kaso ng denge sa mga paaralang nabanggit, pero ginawa ang fogging para itaboy ang lahat ng klase ng lamok at anumang insekto na maaaring magdala ng sakit. Hindi naman daw ito maituturing na indescriminate fogging. âWe say indescriminate kapag may kaso ng dengue, then you go there and fog, then thatâs indiscriminate", pagbibigay diin ni Canto. âIto yung schedule na binigay sa amin, kaya yun kaya nakansela namin..supposedly yung schedule ngayon, mamayang hapon pasok kaso ang advise ni Dr. Canto hindi pa pwede", paliwanag pa ni Caliuag. Bagamat kanselado ang klase, hindi naman ito ikinatuwa ng ilang mag-aaral⦠Ayon kay City Health Officer Dr. Leonard Carbonel, hindi naman kailangang suspendihin ang klase, dahil ligtas at environment friendly ang pesticide na ginamit sa fogging operation, âAfter one hour, pwede na papasukin". Nagpaalala na rin ang City Health Office na huwag basta magsagawa ng preventive fogging kapag walang kaso ng dengue sa lugar. --Glamorfe L. Calicdan, GMANews