ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pinakamatagal na naging pinuno ng Bureau of Customs


Sinasabing may umiiral ng “Customs Service" sa Pilipinas bago pa man dumating ang mga mananakop na dayuhan. Pero alam niyo ba puro lalaki at wala pang babae na naitatalagang pinuno ng Bureau of Customs mula pa noong 1902. Dahil noon pa man ay masigla na ang pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa mga karatig bansa sa Asya sa paraan na kung tawagin ay “barter," sinasabing nakasisingil na ng “buwis" ang mga namumuno noon na mga “datu" at “raja" sa mga mangangalakal na kung tawagin ay “alay." Ang naturang sistema ng pagsingil sa buwis sa kalakalan ay nagpatuloy at ginawang sistematiko nang sakupin ng mga Kastila ang bansa sa pamamagitan ng ipinatupad na Spanish Customs Law. Ito naman ay ipinagpatuloy ng pamahalaang Amerikano nang maagaw ang pamamahala sa Pilipinas. Kasunod nito ay nagpatupad ang US ng Tariff Revision Law noong 1901, at nagpatuloy ang pagbabago sa sistema hanggang sa kasalukuyang panahon. Mula noong 1902 kung saan may mga opisyal ng itinatalaga sa aduana, wala pang babae nahihirang ang mga nagdaang administrasyon bilang pinuno ng ahensiya na taga-kolekta ng buwis. Lumilitaw din na kabilang sa mga BOC chief na pinakamatagal na nanungkulan sa ahensiya ay sina Ramon Farolan (1977 – 1986); Rolando Geotina (1968 – 1975); Guillermo Parayno (1992 – 1998); Salvador Misonn (1987 – 1991) at Napoleon Morales (2006 – 2010). Naging pinuno rin ng BOC sina Senate President Juan Ponce Enrile (1965 – 1968), at dating Sen Wigberto Tanada (1886-1987). – FRJimenez, GMA News