Sa paglisan ni ‘Pedring,’ parating naman si ‘Quiel’
Sa paglisan ng Bagyong Pedring (international name: Nesat) mula sa Pilipinas, may isa na namang bagyong parating sa bansa â âNalgae," na pangangalanang âQuiel" sa pagpasok nito sa teritoryo ng bansa. Ayon sa PAGASA, mararamdaman ang bagyong ito sa Luzon simula Linggo. Natagpuan si âPedring" 380 kilometers (km) west northwest ng Baguio City nitong 10 a.m. ng Miyerkules, ayon sa PAGASA. Sa kabilang banda, natagpuan naman ang bagyong âNalgae" 1,350 km east ng northern Luzon. Ayon sa ulat ng PAGASA nitong 11 a.m. ng Miyerkules, maaari pa ring magdala ang Bagyong Pedring ng 15-25 millimeters (mm) bawat oras ng ulan sa 650-km diameter. Dagdag pa nito, mayroon pa itong maximum sustained winds na 130 kilometers per hour (kph) near the center at pagbugso ng 160 kph. Inaasahan itong patuloy na gumalaw west northwest sa 19kph. Aasahang nasa 910 km west northwest na ito ng Baguio City ng Huwebes ng umaga. Nanatiling nasa ilalim ng Storm Signal No. 1 ang mga lugar sa Zambales, La Union at Pangasinan. Tinanggal na ang mga storm warning signal sa ibang mga lugar. Aasahan ang patuloy na pag-ulan sa western Luzon area. Pinapaalahanan ng PAGASA ang mga residente na mag-ingat sa baha at landslides. Pinapaalahanan din ang mga nakatira sa coastal areas na mag-ingat sa mga malalaking alon. Sa kabilang banda, ayon sa PAGASA, maasahang makapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Quiel sa susunod na 24 oras. Sa pagpasok ni âNalgae" sa teritoryo ng Pilipinas, pangangalanan siyang âQuiel". Epekto dulot ng Bagyong Pedring Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Miyerkules ng 6 a.m., apektado dahil sa bagyo ang mahigit 349 na barangay mula sa 22 na probinsya: