ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
P729M halaga ng pananim, pininsala ni 'Pedring'
MANILA â Mahigit P729 milyon ang halaga ng mga agricultural products ang napinsala ng bagyong âPedring," ayon sa opisyal ng Department of Agriculture (DA) nitong Miyerkules. Sa Senate finance committee hearing, ipinaalam ni Agriculture Secretary Proceso Alcala ang nasirang P729,189,862 halaga ng mga pananim sa 25 na probinsya dulot ng bagyo. Ayon kay Alcala, nagkaroon ng production loss ng mahigit 39,175 metric tons ng palay (nagkakahalaga ng P654,268,722); 6,322 metric ton ng mais (P69,190,140); at 110 metric ton ng mga pananim na may mataas na halaga (P69.2 milyon). Dagdag pa niya, 67,627 ektarya ng sakahan at mahigit 50,000 magsasaka ang naapektuhan ni âPedring." Gayunman, sinabi Alcala, na mahigit 0.6 percent lamang ng fourth quarter production ng bansa ang pinsala. âWe will validate po ito sir... once na-drain ito (ang tubig), malaki ang tiyansa na ma-recover (ang ibang palay)," pahayag ng kahalim kay Senate finance committee chairman Sen. Franklin Drilon. Samantala, sinabi ni Social Welfare Secretary Dinky Soliman sa naunang pagdinig, na mahigit 40,699 pamilya ang nawalan ng tirahan sa 25 probinsya, kabilang ang National Capital Region, Cordillera Administrative Region, Regions 1, 2, 3, 4A, 4B, at 5. Nakapaglaan naman umano ng P62 milyong pondo para sa mga biktima ni âPedring." Umabot sa 18 katao ang nasawi sa paghagupit ni âPedring" na may international name na Nesat. â AF/FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular