ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Pananakit sa bata bilang pagdesiplina, dapat bang ipagbawal?
MANILA â Sinusulong ng isang konsehal sa Quezon City ang isang ordinansang nagbabawal sa pananakit ng bata bilang paraan ng pagdesiplina. Sa ulat ni Kara David para sa Balitanghali nitong Miyerkules, sinabing balak ihain ni Quezon City Councilor John Ansell de Guzman ang isang ordinansang maaaring magpakulong sa mga magulang, guro, yaya, guardian, at iba pang nakatatanda na gumagamit ng corporal punishment o pananakit para madesiplina ang bata. Sa ilalim ng ordinansa, matatawag na corporal punishment ang pamamalo, panununtok, pananadyak, paggamit ng iba't ibang bagay tulad ng baston, sapatos, sinturon at iba pa. Bawal din ang pamimingot, pananabunot, pangungurot at pagpilipit ng kamay. Ganoon din ang mga parusang pagpapaluhod sa asin, pagkulong, pagkakait ng pagkain, pagtali, pagbitin at iba pang gawaing nakasasakit sa bata. Maging ang paninigaw, pagmumura, pagpapahiya at pagbabanta ay balak ding ipagbawal sa ihahaing panukala. Ang mga lalabag ay maaaring makulong ng 'di hihigit sa anim na buwan o magmumulta ng P1,000.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Pangamba ng ilan Nagpahayag naman ng pangamba ang ilan-- pati ang mga guro-- sa naturang panukalang ordinansa. Baka raw lalong maging pasaway ang mga bata dahil dito. "Ang fears namin, kaunting taas ng boses namin, mayroong batang kakasuhan ka agad. Na-diminish ang aming authority at saka baka masobrahan ang karapatan ng bata na hindi na alam 'yung responsibilidad nila," paliwanag ni Evangeline Abubukar sa Balitanghali. Sang-ayon naman ang non-governmental organization na Plan International sa ordinansa. Naniniwala ang grupo na kapag sinaktan ang bata, matututo rin itong manakit. "The problems of bullying, the problems of children in conflict with the law, various problems involving children are related to their experiences at home. They have experience some sort of violence in their homes," pahayag ni Airah Cadiogan, media relations at anti-corporal punishment project campaign coordinator ng Plan International. Magkakaiba naman ang pananaw ng ilang magulang sa naturang ordinansya. "Papangaralan mo siya, huwag papaluin kasi magiging rebelde ang bata," ayon sa isang magulang. Ngunit hirit naman ng isa pang magulang: "Kapag hindi patikimin ang bata ng pagkurot ng kaunti, hindi rin matauhan ang bata. Kailangan din mayroong respeto ang bata sa magulang, ang magulang din, respeto rin ang mga anak." Ipinaliwanag naman de Guzman, na hindi kaagad ikukulong ang lalabag sa ordinansya. Isasailalim umano muna ang guro o magulang sa counseling at assessment. Sa talaan ng UNICEF, 60 porsiyento ng mga ina sa Pilipinas ay umamin na pinaparusahan nila ang mga anak. Sa naturang bilang 3 porsiyento ang gumagamit ng matinding pananakit. Sa isang pag-aaral naman, lumalabas na 82 porsiyento ng mga bata sa Pilipinas ang nakaranas nang pisikal na pananakit sa kamay ng kanilang magulang. - Amanda Fernandez/FRJ, GMA News

Tags: childabuse, corporalpunishment
More Videos
Most Popular