Unang Pinoy na naging Arsobispo ng Maynila
Alam niyo ba na mga Kastila at Amerikano ang mga naunang naging pinuno ng Dioceses of Manila, bago ito napamunuan ng isang Arsobispong Pinoy? Sinasabing Pebrero 1579 nang itatag ni Pope Gregory XIII bilang suffragan diocese ng Mexico ang Maynila. Si Fray Domingo Salazar ang unang nahirang bilang obispo ng diyosesis. Sumunod kay Bishop Salazar ang Franciscan na si Santibañez, at pagkatapos ay pumalit ang Dominican na si Miguel de Benavidez noong 1603. Nasundan pa ito ng mga Kastila na sina Diego Vazquez de Mercado (1610), at Basilio Sancho de Sta. Justa y Rufina (1767-1787), at Dominican Bernardino Nozaleda. Si Nozaleda ang sinasabing huling Spanish archbishop na namuno sa Diyosesis ng Maynila. Nang maisalin sa Amerika ang pamamahala sa Pilipinas, ang Diyosesis ng Maynila ay pinamunuan naman ng mga Amerikanong sina Jeremiah Harty at Michael OâDoherty. Pero bago naging pinuno ng Diyosesis ng Maynila, si OâDoherty muna ang naging kauna-unahang obispo ng Zamboanga. Taong 1949 nang maitalaga ang unang Pinoy na Arsobispo ng Maynila sa katauhan ni Gabriel M. Reyes. - FRJimenez, GMA News