ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
‘Di chop-chop murder case: Paa ng tao na nakasilid sa kahon, sinadyang putulin sa may-ari
BALITANG AMIANAN â Napayapa ang isipin ng mga residente sa Brgy Malabago sa bayan ng Calasiao, Pangasinan matapos malinawan na hindi biktima ng chop-chop murder ang may-ari ng putol na paa ng isang tao na nakitang nakasilid sa isang kahon. Ang naturang paa ay nahulog sa isang tricycle na mabilis ang takbo nitong Lunes ng gabi. Inakala ng mga nakakita sa naturang parte ng katawan ng tao na baka pinaslang ang may-ari nito at pinagputol-putol. Pero nitong Martes, lumitaw na ang paa ay bahagi ng katawan ni Diosdado Perez, isang pasyente sa Region One Medical Center. Sadya umanong inalis ang paa ni Perez dahil isa itong diabetic patient. âTinanggal ito sa may sakit na diabetic. Nung ibiniyahe nahulog ng mga babaeng nagdala. Takot na silang pulutin baka mapagkamalan daw silang nagtapon ng bangkay kaya kin-claim na kinaumagahan," ayon kay Police Officer 2 Apollo Flandez. Sinabing dinala umano ng mga kapatid ni Perez ang paa para sana ilibing sa kanilang lugar sa Brgy Torac, San Carlos City. Matapos maberipika sa ospital ang katauhan ng pasyenteng si Perez na tunay na inoperahan at tinanggalan lamang ng paa, idineklara ng pulisya na sarado na ang kaso. - Balitang Amianan
More Videos
Most Popular