ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Culture of impunity sa bansa, nagpapatuloy, ayon sa opisyal ng CBCP
MANILA â Inihayag ng isang opisyal ng maipluwensiyang Catholic Bishopsâ Conference of the Philippines (CBCP) na ang pagpatay sa Italyanong pari na si Fr Fausto âPops" Tentorio ay patunay na nagpapatuloy pa rin ang culture of impunity sa Pilipinas. Sa isang pahayag nitong Miyerkules, sinabi ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, na patuloy ang culture of impunity dahil na rin sa kawalan umano aksiyon ng pamahalaan na protektahan ang tao at ipatupad ang hustisya. âFr. Popsâ murder reveals a culture of impunity that has prevailed in our society because of the lack of protection and justice that our government affords to human rights defenders," ayon kay Pabillo, pinuno ng CBCP-National Secretariat for Social Action. Sa kabila umano ng pakikiramay at pagkondena ng gobyerno sa mga karahasan, wala naman daw ginagawa ang mga nasa kapangyarihan para matapos na ang walang kabuluhang patayan. Naging pangunahing puna rin noon sa liderato ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang umano'y umiiral na culture of impunity dahil sa dami ng kaso ng pagpatay sa mga militante at pinaghihinalaang tagasuporta ng rebeldeng komunista. Pero para kay Pabillo, hindi sapat sa mga pamilya at kaibigan ng mga biktima ang salitang pakikiramay ng mga opisyal ng pamahalaan. âBut the victims, their families and friends donât need these futile words. Rather, we desire to see these killings stop than be consoled by the platitudes they give in exchange of our grief," diin ng Obispo. Si Tentorio ay binaril at napatay sa Arakan, North Cotabato habang pasakay sa kanyang pick-up truck. Hinihinalang may kinalaman sa krimen ang mahigpit na pagtutol niya sa pagmimina. âFr. Pops was a staunch advocate against mining and other extractive operations that threaten the indigenous people. He had been an inspiration to his parishioners as wells as the lumads who have been opposing activities that are harmful to the environment," ayon kay Pabillo. Inspirasyon Sinabi naman ni Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso, na magiging inspirasyon sa mga alagad ng simbahan ang pagkasawi ni Tentorio upang ipagpatuloy ang pakikipaglaban para protektahan ang kalikasan at mga karaniwang taong maapektuhan ng pagmimina. âMamatay o maubos man kami, we have to continue sa ipinaglalaban namin. Nasawi man si Fr. Tentorio, naniniwala ako na lalong dadami ang mga taong lalong magmamahal at magtatanggol sa kalikasan," pahayag ni Medroso sa panayam ng Radyo Veritas nitong Miyerkules. Pinuna naman ni Cotabato Auxiliary Bishop Jose Collin Bagaforo ang kawalan ng masusing kampanya ng pamahalaan laban sa pagdadala ng baril na nagpapalubha umano ng karahasan. Gayunman, hindi umaasa ang Obispo magpapatupad ng ganitong programa ang kasalukuyang gobyerno dahil kilalang mahilig sa baril si Pangulong Benigno âNoynoy" Aquino III. âKung sa taas ng gobyerno puro armory mentality sila so ano pa ang ini-expect natin sa ordinary people. They have to set an example," ani Bagaforo. - GMA News
More Videos
Most Popular