ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

'Bar Ops' sa Bar Exams sa UST, ipinagbawal na ng SC


Ipinagbawal na ng Korte Suprema (SC) ang pagkakaroon ng pagdiriwang -- na kilala bilang "bar operations" -- sa 2011 Bar Examination sa University of Santo Tomas (UST) sa Manila sa darating na Nobyembre. Ayon sa SC, ipinagbawal na ang paggamit ng mga steamers, sendoffs, at cheering squads sa paligid ng UST habang nagaganap ang bar examination sa mga petsa ng Nobyembre 6, 13, 20, at 27. Inihayag ni Supreme Court Bar Confidant at Deputy Clerk of Court Atty. Ma. Cristina Layusa ang pagbabawal ng Bar Ops nitong Lunes ng hapon sa SC Old Session Hall sa isang Bar briefing para sa mga superintendents at supervisors sa magaganap na Bar Exam. "To maintain peace and order during the Bar examinations, she said that the Court will be assisted by uniformed police and plainclothes agents of the National Bureau of Investigation," aniya. Gayundin, inatasan na ni 2011 Bar Chairperson Justice Roberto Abad ang mga awtoridad na tiyakin mananatiling bukas ang apat na kalsadang paligid ng UST (Dapitan St., P. Noval St., España Boulevard, and Lacson Avenue) habang nagaganap ang Bar exam. Naging tradisyon na ilang mga organisasyon ng mga paaralan at ng mga fraternities na magsagawa ng Bar Ops upang magbigay suporta sa bar examinees. Nagtatayo ang mga organizers ng tent, at gumagamit ng malalakas na sound system, at pati na rin ang pagdidiwang sa gitna ng mga daan. 6,200 na law students ang inaasahang kukuha ng Bar exam sa taong ito sa UST, ang bagong lugar kung saan ito magaganap. Inilipat ang Bar exams sa UST matapos magkaroon ng kaguluhan sa nakaraang Bar Ops sa De La Salle University (DLSU) sa Manila. Mahigit 40 na katao ang sugutan mula sa pagsabog sa naganap na Bar Ops sa labas ng DLSU noong Setyembre 26 ng nakaraang taon, ang pinakahuling araw ng Bar exam. Dahil sa pagsabog, napinsala at natanggal ang mga binti ng isang law student na si Raissa Laurel. Bagong format ng exam Sa taong ito, magkakaroon ng bagong format ang pagsusulit, kung saan unang gagamitin ang mga multiple-choice na katanungan. "[The questions are] constructed [so] as to specifically measure the candidate’s knowledge of, and ability to, recall the laws, doctrines, and principles that every new lawyer needs in his practice, and assess the candidate’s understanding of the meaning and significance of those same laws and principles as they apply to specific situations," aniya. Magkakaroon din ng essay-type na mga katanungan na hindi magiging "Bar-subject specific." "One such essay examination will require the candidate to prepare a trial memorandum or a decision based on a documented legal dispute," aniya. Dagdag pa nito, "This essay will account for 60 percent of the exam's essay portion. The remaining 40 percent will be covered by an essay which will require the Bar candidate to prepare a written opinion sought by a client concerning a potential legal dispute facing him or her." Makukuha ang pinal na marka mula sa kabuuan ng multiple-choice na pagsusulit (60 perfect), at ng essay-type na pagsusulit (40 percent). Sa ngayon, walang kinalaman ang resulta ng multiple-choice na pagsusulit sa essay-type na pagsusulit. "In future Bar Examinations, however, the Bar chairperson shall recommend to the court the disqualification of those whose grades in the multiple-choice questions are so low that it would serve no useful purpose to correct their answers in the essay-type examinations," dagdag nito. Heto ang schedule ng mga pagsusulit sa taong ito:

  • Day 1 (November 6): Political and International Law, and Labor and Social Legislation (umaga) and Taxation (hapon)
  • Day 2 (November 13): Civil Law (umaga) and Mercantile Law (hapon);
  • Day 3 (November 13): Remedial Law, and Legal Ethics and Forms (umaga) and Criminal Law (hapon)
  • Fourth day (November 27): Trial Memorandum (umaga) and Legal Opinion (hapon). — Amanda Fernandez/RSJ, GMA News