ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Mga kasambahay sa Asya, nanawagan ng respeto at paggalang bilang mga manggagawa
MANILA â Dinaluhan ng mga domestic helper mula sa ibaât ibang bansa sa Asya ang post-International Labor Conference na idinaos sa Intercontinental Hotel sa Maynila. Sa isinagawang dalawang araw na pagtitipon (Oktubre 24-26), nagkaroon ng pulong balitaan kung saan nagbigay ng pahayag si Lilibeth Masamloc, pangulo ng Samahan at Ugnayan ng mga Manggagawang Pantahanan sa Pilipinas, upang ilahad ang mga hinaing ng mga domestic worker sa buong Asya. Nanawagan si Masamloc sa mga mambabatas na sundin ang International Convention 189 (C189), isang batas na nangangalaga sa karapatan ng mga kasambahay. Una rito, napagkasunduan ng mga dumalo sa International Labor Conference na ginanap sa Geneva, Switzerland noong Hunyo 16, ang paggamit ng C189 para sa mga domestic worker. Ang Pilipinas at Uruguay ang unang mga bansang nagpahiwatig ng kanilang hangarin para sa ratipikasyon ng batas alinsunod sa C189. Sa nakaraang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno âNoynoy" Aquino III, noong Hulyo, inilahatad niya na gagawin niyang prayoridad ang Batas Kasambahay. Nanawagan si Masamloc sa gobyerno na suriin ang kasalakuyang polisiya kung papasa ito sa pamantayan ng C189. "Kami ay nananawagan na ang ating mga mambabatas ay kumilos upang tiyakin na ang Domestic Worker bill at mga batas sa mga bansa ng Asya ay naaayon sa mga sumusunod na prinsipyo at laman ng International Convention," aniya. Nakasaad sa C189 ang pangangailangan na magkaroon ng patas na pasahod at benepisyo para sa mga kasambahay. Kabilang na rito ang pagkakaroon ng proteksyong panlipunan, health insurance, maternity benefits, at iba pa. "Sa kabila ng malaking kontribusyon namin sa lipunan at sa ekonomiya, napakarami pa rin sa amin ang hindi kasali sa mga programang ito," hinaing ni Masamloc. Dagdag pa niya, "Hindi kami makina na kayang magtrabaho ng tuloy-tuloy kaya nais namin na magkakaroon ng day-off at lingguhang pahinga at maitakda ang normal na oras ng trabaho ng mga kasambahay." Para naman sa mga batang kasambahay, sinabi ni Masamloc na kailangan silang mabigyan ng patas na proteksyon at benepisyo katulad ng, âkarapatang makapag-aral at mapaunlad ang sariling kaalaman at kakayanan, magpahinga, maglaro, at mapangalagaan laban sa abuso." Kinakailangan din umano ng malinaw at nakasulat sa kontrata ang mga napagkasunduan ng magkabilang panig. Kabilang na rito ang malinaw na regulasyon para sa mga recruiters upang hindi mabiktima sa human trafficking at forced labor. "Kung maaari, nais namin na sakop ng kontrata ang relasyon namin sa aming mga employers. Makakatulong din kung bago pa umalis sa aming mga lugar na pinanggalingan ay pirmado na ang kontrata at ito ay nakasulat sa wika na naiintindihan naming," ayon kay Masamloc. Dapat din umanong magkaroon ng karapatan ang bawat isa na makisali o bumuo ng isang organisasyon na kanilang ninanais. "Nararapat lamang na mawala ang lahat ng balakid upang hindi marinig ang aming mga tinig lalo na sa mga lokal, pambansa, at pandaigdigang usapin na tungkol sa aming buhay at trabaho, kasama na ang collective bargaining," pagdiin ni Masamloc. Sinabi nito na ang tanging hangad lamang ng mga kasambahay ay makilala rin rin sila bilang mga manggagawa na may disenteng hanap-buhay, katulad ng mga namamasukan sa mga pabrika, tanggapan o malalaking tindahan. â Amanda Fernandez/FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular