ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pagtaya na abot na sa 7B ang populasyon ng tao sa mundo, idinepensa ng senador


MANILA – Idinepensa ni Sen Pia Cayetano laban sa mga kritiko ng reproductive health bill ang ginawang pagtaya ng United Nations Population Fund (UNFPA) na aabot na sa pitong bilyon ang populasyon ng tao sa mundo pagsapit nitong Oktubre 31. Sa isang pahayag nitong Miyerkules, sinabi ni Cayetano, nagsusulong ng RH bill version sa Senado, na ayaw lamang tanggpin ng mga kritiko ng RH bill ang katotohanan na nais bigyan pansin sa ulat ng UNFPA na nakapaloob sa World Population Report 2011. "The real challenge for governments faced with a booming population and dwindling resources is not to control the population, but to ensure equal opportunities for the development of each citizen and family, especially among the poor," anang senador. “That's the main point of the UN World Population Report, which critics of the RH Bill refuse to acknowledge," pagdiin ni Cayetano, chairperson ng Senate Committee on Health and Demography. Ang pahayag ay ginawa ni Cayetano matapos maliitin umano ng mga kritiko ng RH bill ang ulat ng UN tungkol sa pagtaya sa populasyon ng mga tao sa mundo ngayong taon. "The RH Bill is not the be-all and end-all solution to our nation's problems. But it holds the key to empowering Filipino couples to access family planning education and services which, in turn, would allow them to plan the number and spacing of their children and ultimately chart their own well-being and future," pahayag ng senador. Pinuna rin ni Cayetano ang isang lumabas na ulat na nagsasabing puwedeng magkasya ang anim na bilyong tao sa Texas, USA na ang bawat pamilya ay maaaring bigyan ng isang bahay at mayroong maliit na bakuran. "There's no sense in computing how many billion people could physically fit into the state of Texas if only to downplay the findings of the UN Report. This simplistic argument only highlights the RH Bill critics' disconnect with reality," ayon kay Cayetano. Iginiit niya ang pangangailangan sa agarang aksiyon para matugunan ang mga problema sa lipunan, ekonomiya at ang milyong-milyong mahihirap na pamilya na walang nakain sa bansa. - GMA News