ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Pangalan ni Comm Biazon, iba pang opisyal, ginagamit daw sa panghihingi ng pera
MANILA â Nagbigay ng babala si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ruffy Biazon, sa publiko laban sa mga taong gumagamit ng kanyang pangalan at iba pang opisyal para manghingi ng pera. Ang babala ay ginawa ni Biazon matapos makatanggap ng mga impormasyon na may gumagamit ng kanyang pangalan, at pangalan ng iba pang opisyal ng pamahalaan kabilang si Executive Secretary Paquito âJojo" Ochoa Jr. Sakaling may matanggap na tawag gamit ang kanilang pangalan, sinabi ni Biazon na huwag itong pansinin at isuplong sa kanilang tanggapan. âIreport sa amin pinaparoperate na din (sila) sa intelligence (unit) para mahuli. This is a serious matter gamit (ang) name ng officials baka may maloko na kababayan at âdi alam kung sino ang kausap nila," ayon kay Biazon. Kuwento ng opisyal, nakatanggap siya ng tawag sa isang tao na nagpakilalang si Communications Secretary Ricky Carandang at nagtatanong tungkol sa mga posisyon at mga opisyal sa BOC. Hiniling umano ng nagpakilalang Carandang sa secretary ni Biazon na tawagan siya ng opisyal sa ibinigay nitong numero. âIba sa number na alam ko, isip ko baka nagpalit number, pagtawag ko sagot isang tao. Naboses ko hindi at manner hindi siya (Carandang). Unang tanong, sino deputy commissioner for intel? Nasiguro ako na hindi si secretary dahil alam niya yun,â anang pinuno ng BOC. âTinanong din kung sino in-charge sa collection, sa revenue collection monitoring â I gave name, paki sabi tawagan ako. Sabi ko ikaw ba talaga si Sec. Carandang? Tapos baba na ang phone," ani Biazon. Idinagdag ng opisyal na nakatanggap din siya ng tawag mula kay Ricardo Belmonte, collector sa Manila International Container Port (MICP), tungkol sa isang tao na nagpakilalang siya (Biazon) at nagpapahanda ng pera para umano kay Executive Secretary Ochoa. âHe (Belmonte) called me to verify. Siyempre, nag-compare notes kami same number (ng nagpakilalang si Carandang) ang lumabas. Ito rin yung tumawag sa akin," pahayag ni Biazon. Kasunod nito, nakatanggap din umano si Biazon ng tawag mula kay Enchong Formoso, chairman ng Duty Free Philippines chairman, para alamin kung totoo na nanghihingi siya ng papremyo para sa team building activity. Nung una, umayon umano ang opisyal sa hiling ng nagpakilalang Biazon pero pagkaraan ay nagduda na ito nang muling tumawag at igiit na gawing pera ang ibibigay na pa-premyo na nagkakahalaga ng P20,000. Maaaring iparating ang reklamo kay Biazon sa telepono bilang 527-4573, o mag-post sa Twitter account na: https://twitter.com/#!/CommissionerBOC at https://twitter.com/#!/ruffybiazon. Kasabay nito, humingi rin ng paumanhin si Biazon sa mga bumibisita sa kanyang tanggapan kung hindi sila nakapagsisilbi ng pagkain. âAre government offices obligated to serve food to visitors? A group who visited me complained that I didn't serve food. Ipagpatawad po," pahayag ni Biazon sa isa niyang tweet. -- FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular