ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Alok ng PNoy govt na sasagutin ang pagpapagamot kay Arroyo, tinawag na 'retarded offer'
MANILA â Tinawag na âretarded offer" ng kampo ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang alok ni Pangulong Benigno âNoynoy" Aquino III, na sasagutin ng pamahalaan ang pagdadala ng mga duktor na gagamot sa dating lider. Sa ulat ng GMA News Live nitong Sabado, sinabing tinawanan lang at tinawag na âretarded offer" ni Atty Raul Lambino, ang alok ng gobyerno na dalhin na lamang sa Pilipinas ang mga duktor na kailangang sumuri at gumamot sa sakit ni Arroyo. Ayon kay Lambino, legal spokesman ni Arroyo, malinaw na persecution umano ang ginagawa ng pamahalaan laban sa dating pangulo. Pinabulanan din nina Lambino at Atty Topacio, abogado ni dating First Gentleman Mike Arroyo, ang hinala na humingi ng political asylum sa Dominican Republic at Spain ang mag-asawang Arroyo. Una rito, sinabi ni Justice Sec Leila De Lima na pinaiimbestigahan niya ang natanggap nilang impormasyon na humingi ng political asylum ang dating First Couple sa banaggit na bansa.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Hinamon nila si De Lima na ilabas ang katibayan at tukuyin ang pinagmulan ng kanyang impormasyon. Iginiit nilang hindi humingi ng asylum sa kahit anong bansa ang mag-asawa at babalik ang mga ito sa Pilipinas kapag pinayagang na makapag-abroad. Pinag-aaralan din daw ng mga abogado ni Arroyo na magsampa ng disbarment case laban kay De Lima dahil sa pagsasapubliko ng hindi beripikadong impormasyon. Sa naturang ulat, sinabi naman ni De Lima na handa siyang harapin ang mga kasong isasampa sa kanya. Minaliit Sa panayam naman ng dzRB radio nitong Sabado, minaliit lang ng Malacañang ang banta ng kampo ni Arroyo na ipa-disbar si De Lima. Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, ang banta ng kampo ni Arroyo laban kay De Lima ay bahagi lamang ng mga naglalabasang ingay. âWhat is the focus of this issue? Before, itâs medical treatment, now itâs legal, now it has turned into an issue against Sec. De Lima," puna ng tagapagsalita ng Palasyo. Mas makabubuti umano kung hihintayin na lamang umano ng mga Arroyos ang magiging desisyon ng korte sa kanilang petisyon na payagang siyang makalabas ng bansa.

More Videos
Most Popular