ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Unang bersiyon ng ‘Ang Pasko ay Sumapit’
Paboritong kantahin tuwing Pasko ang awiting “Ang Pasko ay Sumapit." Pero alam niyo ba na hindi sa salitang Tagalog ang orihinal na pagkakasulat nito. Ang awiting “Ang Pasko ay Sumapit" ay Tagalog version na ginawa ng Pambansang Alagad ng Sining na si Levi Celerio noong 1950’s. Ang paboritong awiting pamasko na ito ay sinasabing “hango" sa isinulat na kanta sa Bisaya ng Cebuanong si Vicente Rubi, na “Kasadya Ning Tana-a." Katuwang ni Rubi sa paggawa ng “Kasadya Ning Tana-a" ang kababayang lyricist na si Mariano Vestil noong 1933. Ginawa ang awiting ito para gamitin sa isang stage play sa Cebu na talaga namang pumatok sa pandinig ng mga Pilipino. - FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular