ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

PNP chief: Mga pulis na may kaso, malungkot ang Pasko


Hindi lahat ng mga pulis ay makatatanggap ng 13th month pay at yearend bonus. Sinabi ni Philippine National Police (PNP) Director-General Nicanor Bartolome nitong Biyernes sa isang pahayag na hindi makatatanggap ng nasabing biyaya ang mga may nakabinbing kasong kriminal o  administratibo bilang pagtalima sa polisiya ng PNP upang mapatibay ang disiplina sa ranggo ng mga pulis. Gayunman, sinabi ni Bartolome na sinimulan na ang pamamahagi ng mga tseke ng yearend bonus sa 140,000 aktibong pulis. Ang mga tseke ay pinamahagi ng PNP Finance Service sa mga pulis sa iba’t ibang lalawigan sa pamamagitan ng Regional Finance Service Offices. Kailangan umanong maghintay ng mga may kasong pulis na maabswelto  sila bago mapasakamay nila ang kanilang bonus, ayon kay Bartolome. — LBG, GMA News