ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Kaanak ni FPJ, nanawagan para mag-inhibit si Corona sa mga kaso vs Arroyo


Nadagdagan ang mga nananawagan na mag-inhibit si Chief Justice Renato Corona sa mga kaso ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Korte Suprema,  ngyon kasama na rin ang apo ng yumaong aktor na si Fernando Poe Jr. Naghain ng mosyon si Bryan Poe Llamanzares, 19, anak ni Grace Poe-Llamanzares – chair ng Movie and Television Review and Classification Board – sa korte noong Martes kung saan kanyang idiniin na mayroon umanong "strong personal and professional relationship" si Corona kay Arroyo, at pati na rin ang voting track record na nagpapakita ng "strong perception" na biased umano ito pabor kay Arroyo]." Kasama ni Llamanzares bilang petitioner ay ang kapwa niyang student leaders na sina Mose Mikhael Albiento (Ateneo de Manila University), Gibby Gorres (University of the Philippines), and Ferozya Delia Simbulan (Student Council Alliance of the Philippines). Isang political science junior sa Ateneo De Manila University ang anak ni Poe-Llamanzares. "[We] implore Chief Justice Corona to exercise his sound discretion and carry out his sworn duty to uphold a fair, impartial administration of justice by voluntarily inhibiting himself from participating in the resolution of the instant consolidated cases," ayon sa petisyon ng studfent leaders. Hinihiling nila ang inhibition ni Corona upang maiwasan umano ang persepsyon ng pagiging "bias" sa mga desisyon ng Korte na maaaring makasisira sa hudikatura. Pabor kay Corona Maliban sa kampo ni Llamanzares, mayroong dalawa pang naghain ng mosyon noong Martes para sa inhibition ni Corona. Sila ay sina Jaime Regalario ng Kilusan para sa Makabansang Ekonomiya (KME) at Bishop Augusto Sanchez na nakisanib kay Yasmin Busran-Lao ng Bantay Gloria Network sa iisang mosyon. "We are actually doing Chief Justice Corona a favor here,” said Regalario. “Our call for him to inhibit from the Arroyo cases is an appeal to protect his good standing in the legal community,” ayon kay Regalario. “[Corona] has nothing to lose from inhibiting. In fact, he will gain the respect of the public,” dagdag niya. Sa 19 kasong laban kay Arroyo, 15 ang nakakuha ng "pabor" na boto  mula kay Corona. "My family did not forget what happened in 2004,” ayon kay Llamanzares. Matatandaan tumakbo si Fernando Poe Jr. (FPJ)  para sa pagkapangulo sa ilalim ng LDP (Laban ng Demokratikong Pilipino) party noon 2004 kung saan natalo siya ni Arroyo. Agad namang naghain ng electoral case si FPJ dahil umano'y dinaya siya sa naturang halalan. Noong Disyembre 14 sa taong iyon, pumanaw si Poe, 65, sanhi ng sakit na thrombosis o blot clotting sa loob ng ugat. “As a representative of my family, it's important that I show my support for this,”  ani Llamanzares. “We are after the truth, not just in 2004 elections but all the cases against Arroyo that have taken place between 2004 and today." Paghintay sa desisyon ni Corona Samantala, ayon kay SC Spokesman Midas Marquez, hintayin na lamang umano ng publiko kung ano ang magiging "action" ni Corona sa mga inhibition request na inihain laban sa kanya sa korte. "Once a magistrate, a judge, or a justice feels that he can judge the case impartially then there is no need for him to inhibit," ani Marquez. Unaabot na sa apat ang bilang ng mga mosyon na inihain sa korte na humihiling sa inhibition ni Corona mula sa mga kasong kaugnay kay Arroyo. Noong Nob. 29, hiniling ni Senate whistleblower Rodolfo Lozada at ng Bantay Gloria Network na mag-inhibit si Corona sa mga kaso ni Arroyo. Hiwalay na iniimbestiga ng Korte Suprema at ng joint panel ng Department of Justice at Commission on Elections ang naganap umano na dayaan sa eleksyon noong 2004 at 2007. Kasalakuyang humaharap si Gng. Arroyo sa kasong electoral sabotage, kaugnay sa umanoy utos nito na dayain ang 2007 elections pabor sa senatorial bets ng kanyang administrasyon. Hinirang si Corona bilang Chief Justice ni Gng. Arroyo isang linggo matapos ang presidential eleksyon noong Mayo 2010.  Noong Enero 2001, hinirang ni Arroyo si Corona bilang kanyang chief of staff. Hinirang si Arroyo bilang Pangulo matapos napa-alis si Joseph Estrada sa pagkapangulo sa kasong graft at korupsyon. Inatasan din ni Arroyo si Corona bilang presidential legal counsel at acting executive secretary. — Amanda Fernandez /LBG, GMA News