ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Unang parol sa Pinas


Simbulo ng masayang Pasko sa mga Pilipino ang parol. Pero alam niyo ba kung sino ang pinapaniwalaang unang Pinoy na gumawa ng parol na hugis tala o star? Sinasabing karaniwang bilog at may maliit na apoy na parang gasera ang mga unang parol na ginawa noong panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas. Dahil wala pang elektrisidad noon, ang liwanag na nagmumula sa mga itinuturing na parol ang nagsisilbing giya ng mga tao – partikular ang mga magsasaka – na dadalo sa misa na tinatawag na ngayon na Simbang Gabi. Ang unang parol na hugis tala ay ginawa umano ng isang artisan mula sa San Fernando, Pampanga na si Francisco Estanislao noong 1908. Hindi katulad ngayon na may mga alambre, ilaw at iba pang matitigas na bagay, ang parol na ginawa ni Estanislao ay gawa lamang sa patpat ng kawayan at malampot na papel-de-hapon. – FRJimenez, GMA News

Tags: pinoytrivia