ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Kaka-birthday lang nitong Dec 24: Lolo, nagbaril sa sarili, patay


Isang lolo na nagdiwang lang ng kanyang ika-72 taong kaarawan ang pinapaniwalaang nagbaril sa sarili sa loob ng kanyang bahay sa Ormoc City, Leyte. Natagpuan nitong Martes ng umaga na wala ng buhay si Delfin Maglasang, biyudo, residente ng Purok 2, Tent City Village, Ormoc City. Nagtamo siya ng isang tama ng bala mula sa hinihinalang Cal 45 baril sa bibig na lumagos sa likod ng kanyang ulo. Ayon Joan Maglasang, manugang ng nasawi, nagising siya nang marinig ang isang malakas na putok. Nang inusisa kung saan nanggaling ang ingay, nakita niya ang biktima na paupong nakasandal at duguan na. Sinabi naman ng anak ng biktima na si Imelda Mercader, kaarawan ni Maglasang noong Disyembre 24. Hinala niya, posibleng nagtampo ang kanyang ama dahil wala sa kanilang limang magkakapatid ang nagtungo sa kanilang ama. Ikinuwento naman ni Joan na laging sinasabi ni Delfin na mabuti pang magpakamatay na lang siya kapag mayroong sakit. Ito ay dahil hindi raw nito nais na pagsilbihan siya ng kanyang mga anak. Mayroon umanong lagnat ang biktima nang magdiwang ito ng katawan, ayon pa kay Joan. Sinabi naman ng ilang kapit-bhay na nakita nila ang biktima na tahimik na umistambay sa labas ng bahay at pagkaraan ay ilang saglit ay pumasok ng bahay at doon na nadinig na ang isang putok ng baril. Samantala, inaalam naman ng mga awtoridad kung kanino ang baril at kung mayroon itong lisensya. - RonnieRoa/FRJ, GMA News