Janelle, desididong bigyan ng hustisya si Ramgen; nasaktan sa pagkalat ng 'private' video nila ng nobyo
“Stressful." Ganito inilarawan ni Janelle Manahan ang naging buhay niya nang magsama sila sa iisang bubong ng pinaslang na nobyo na si Ramgen Revilla, kapiling ang mga kapatid ng huli na inaakusahang kasabwat sa pagpatay sa aktor. Ginawa ni Janelle ang pahayag sa panayam ni Jessica Soho sa State of the Nation (SONA) nitong Martes (Jan 12) ng gabi sa GMA News TV. Dito ay inilahad niya ang kanyang saloobin tungkol sa nangyaring krimen, ang nakabinbing kaso at ang paglabas ng “private" video ni Ramgen sa Internet. Nauna nang itinanggi ng magkakapatid na Ramona, Ramon Joseph at Gail, na may kinalaman sila sa pagpatay sa kanilang kuya na si Ramgen. Ang pahayag ng tatlo ay suportado ng kanilang ina na si Genelyn Magsaysay-Bautista. JESSICA: Kaugnay pa rin po ng kasong kinasangkutan ng pagpagslang kay Ramgen Revilla. Makakapanayam po natin ngayong gabi live dito sa studio si Janelle Manahan. Magandang gabi sa’yo Janelle. JANELLE: Magandang gabi po. JESSICA: Una sa lahat gusto kitang kumustahin. Kamusta ka na ba? Naka-recover ka na? JANELLE: Physically po on-going pa rin ang mga therapy pero mas okay na po ako ngayon. JESSICA: How about yung trauma Janelle? JANELLE: okay na Rin po. Nakakapag-cope naman po ako ng maigi kasi nandyan po yung family ko, nakasuporta po. JESSICA: Napansin ko madalas katulad ngayon naka-shades ka pa rin. Hindi pa rin ba okay ang paningin mo? JANNELE: Okay naman po ang paningin kaso itong side ng mata ko hindi pa po siya totally nagko-close. So ‘pag na-e-expose po siya sa like sa lights, aircon nag-da-dry-up. Saka medyo paralyze pa rin po kasi siya. JESSICA: Ano ang prognosis ng doctor? Makakabalik ka pa raw sa dati mong vision at dating ayos ng mukha mo, as is pa rin daw? JANELLE: Opo. I will undergo therapy lang po pero everything will go back to normal po. JESSICA: Janelle ang balita ngayon eh humingi na kayo ng tulong sa CIDG dito sa pag-upload ng video ninyo ni Ramgen noh? Pwedeng malaman ano ang dahilan at kinailangan niyo pang humingi ng tulong sa CIDG. JANELLE: Siyempre po mas meron po silang kakayahan para matunton kung sino ang gumawa nung original download at gusto ko pa rin siyempreng malaman kung sino po talaga ang naglabas ng video. JESSICA: Kasi mariin na itinatanggi ng pamilya ni Ramgen, yung nanay niya pati yung mga kapatid niya na sila ang nag-upload. If I remember correctly sabi ni Mrs. Magsaysay eh, bakit daw nila gagawin ‘yon, gayung anak din niya si Ramgen, kapatid ng kapatid niya, eh patay na nga, bakit pa nila sasaktan. JANELLE: Yun nga po kung bakit gusto kong paimbestigahan kasi kung hindi sila, sino ang gagawa nun, wala. Ang alam ko po kasi talaga nasa laptop yung files na yun pero deleted na. From what I know po kasi, pwedeng i-retrieve daw ang deleted na files. So kung hindi sila, sige ganun ang sabihin nila pero gusto ko pa rin pa-imbestigahan. JESSICA: Yung laptop na ‘yon, laptop ni Ramgen? At nandun ang mga video ninyo? JANELLE: Before po pero deleted na siya. JESSICA: Meron ka ring sinabi dati na you are convinced na yung mga kapatid ni Ramgen lang ang makakagawa nun, tama ba yun? JANELLE: Opo, kasi wala naman pong may kakayahan para makakuha ng ganung file. wala naman pong iba na humawak ng laptop from the night that the incident happened. Sila lang yung nakahawak nung laptop and even though my password yun, mabilis lang din naman buksan or palitan yung password or i-disarm yung password ng laptop. JESSICA: Si (Sen) Bong Revilla, nagkataon naman na kapatid (sa ama) ng nobyo mo was the author of anti-voyeurism bill in the Senate. Naisipan mo na rin ba na humingi ng tulong sa kanya kasi siya ang nagsulong ng bill na pagbawalan ito? JANELLE: He is very vocal naman na hinihikayat naman niya na magpa-investigate about that. So, naniniwala naman ako na supportive siya na paimbestigahan ito. JESSICA: Sa palagay mo Janelle, bakit kaya i-upload ‘tong video na ito? Ano ang motibo ng mga tao sa likod ng pagpapakalat nito? JANELLE: Siguro po to stop me from talking and paglabas ng kung ano man. Sana lang walang mga ganito, sana mag-focus na lang sa case. JESSICA: Pwede bang malaman Janelle kung ano ang naging reaction mo nung una mong malaman na nandun na siya sa Internet, kumakalat na siya and its your private video with your boyfriend. JANELLE: Initial reaction po siyempre ay nagulat and nasaktan kasi private nga po ‘yon, tapos out na po siya sa public. Parang I have nothing to hide anymore, nakita na nang tao. Masakit pero I can’t take it back anymore eh, nandyan na yun. Sa akin, I will just used that yung nangyari to make myself stronger. JESSICA: ‘Pag iniisip mo ang nangyari, namatayan ka ng nobyo pati ikaw muntik nang patayin, tapos meron pang ganitong nangyayari na kumakalat na private video mo sa internet, ano ang naiisip mo? Paanong dumating ang lahat sa puntong ito? JANELLE: Sa akin kasi may tiwala ako sa Diyos. Everything happens for a reason and kung sino man yung gumagawa nito, kung hindi ko man mabibigyan ng justice itong nagyayari sa akin ngayon, may Diyos naman na huhusga sa huli. JESSICA: Anong sinasabi mo sa sarili mo to get you over all the hurts and the pains because unimaginable ‘tong pinagdaraanan mo, na namatayan ka ng nobyo, pati ikaw din muntik mapatay and then meron pang ganitong masasakit na nangyari after. JANELLE: I can’t let these things affect me basta yung focus ko nasa kaso. Kailangan kong bigyan ng justice yung nangyari sa akin at kay Ramgen. JESSICA: Sa pagkakaalam mo ba, kasi I know you lived-in with Ramgen di ba for sometime and were you privy ng mga away nilang magkakapatid? I know from previous interviews na sinabi mo na medyo may problema silang pamilya. Pwede bang malaman what was it like living with them. JANELLE: It was very stressful kasi siyempre hindi ako sanay sa ganoong environment pero if normal kasi na sa kanila ang ganoon eh pero I can’t go into details sa away nila pero it was very stressful for me to the point na I really wanted to leave the house. JESSICA: Kasi sa outsiders katulad ko. Oo, normal nga na may away sa mga magkakapatid but yung initial na nangyaring ito na lumabas ‘tong kaso, ang initial reaction, Oo nga hindi sila nagkakasundo, but is it enough para pagtangkaan ang kapatid nila na patayin pati nobya niya? Ano masasabi mo sa aspetong ‘yan Janelle? JANELLE: Lahat naman kasi ng tao may ibat-ibang personalities, hindi ko rin… ako I was in denial din at first na kaya nilang gawin, kasi siyempre family. Pero sa ngayon wala na akong magagawa but to wait kung ano talaga ang lalabas sa investigation, kung ano ang totoo. JESSICA: Ganoon ba katindi mga alitan nila na humantong sa kung paniniwalaan ang mga charges, humantong sa patayan? JANELLE: I don’t know what they are capable of pero medyo malalim yung hidwaan nila as siblings. JESSICA: Si Misis Magsaysay several times I think she tried to addressed you in her media interviews na sinasabi niya, “Janelle, mahal kita." I don’t know what she is trying to say but ano ang reaction mo sa mga messages na previously na tina-try niya na iparating sa iyo. JANELLE: Sa akin naman, alam niya na minahal ko siya parang mother. Sa akin naman kung mahal niya talaga ako at yung anak niyang si Ramgen, sana humingi siya or gumawa ng way para makatulong sa kaso or mabigyan ng hustisya kasi anak din naman niya si Ramgen. I mean naiintindihan ko yung situation niya, pero kung wala talagang kasalanan ang mga anak niya bakit hindi siya humingi ng justice for Ramgen. Kung alam niya na hindi mako-convict yung mga anak niya, na wala namang kinalaman… yun lang. JESSICA: Janelle, si Ramgen ba ay nagparamdam na sa iyo? Napapaginipan mo ba siya? Gaano mo ba siya nami-miss? JANELLE: Never siyang nagparamdam pero lagi siyang nasa dreams ko and siyempre for five years lagi ko siyang kausap, lagi ko siyang kasama, nami-miss ko siya ng sobra. Kasi parang biglang drastic change na, he’s not there anymore, hindi ko na siya makausap, or Makita. So, nami-miss ko na siya. JESSICA: Pagkatapos na nagyari sabi mo medyo lito-lito ka pa. Confused yung ginamit mong word. Hindi mo pa maintindihan ang nangyari sa iyo, sa puntong ba ito maski papaano meron ka nang klaro o nabubuong picture kung bakit nangyari yun. JANELLE: Um um. Kasi every night naman iniisip ko talaga. Kasi ayaw ko naman magkamali sa mga taong iko-convict ko, specially if sila. Kasi nakasama ko rin sila so ayaw kong magkamali. Iniisip ko talaga yung buong nagyari, ngayon mas klaro na sa akin lahat. JESSICA: Napag-dugtong-dugtong mo na ba kung bakit tinawag mo yung kapatid niya pero hindi siya kaagad dumating. All of these details na vital to the case. JANELLE: Yes. And yung testimonies na nilalabas nila alam nila na hindi na totoo lahat eh. So nagiging malinaw na sa akin lahat, kasi dati ayaw kong maniwala pero ngayon mas nako-convince na ako. JESSICA: How do you even begin to recover from this trauma Janelle? Paano… how was it like living day-to-day, you have to go to courts, kailangan mong humingi ng tulong sa CIDG, you have to give interviews to the media, paano mo nakakayanan ang lahat na ito? JANELLE: Yung family ko and God of course and lahat ng taong nagmamahal sa akin, doon ako kumukuha ng strength. Nakakapagod yung ganito pero alam ko naman na ginagawa ko ito para makatulong sa justice for Ramgen. And to let the people know, kung ano ang alam ko, kung ano ang side ko, so its ok. JESSICA: Before this bizarre case happened in your life nabalitaan ko na nagbabalak na kayong magpakasal ni Ramgen. Also you had your own career, you were part of Star Circle Quest batch, previous batch noh? You were part of that, obviously you wanted your own showbiz career. JANELLE: But I gave that up po when I and Ramgen started dating. JESSICA: So papaano na ang lahat na iyan? JANELLE: I can go back to my normal life siguro after the case na. Right now I really wanna focus and prioritize the case. JESSICA: Okay. Maraming salamat Janelle Manahan. Maraming salamat sa iyo. JANELLE: Thank you rin po. -- Kenneth A. Cortez/FRJimenez, GMA News