Pinakamaliit na town plaza sa Pilipinas
Alam niyo ba na sinasabing kasing-laki lamang ng isang basketball court ang itinuturing pinakamaliit na plaza sa Pilipinas na matatagpuan sa Panay Island. Ang plaza sa bayan ng Jordan, kabisera ng lalawigan ng Guimaras ang sinasabing pinakamaliit na plaza sa bansa. Hindi nga raw pagpapawisan ang isang tao kapag inikot niya ang lugar. Ang mga bumibisita sa plaza ay sinasalubong ng dambuhalang marker na may nakasulat na “Smallest Plaza." Sa gitna naman ay makikita ang ‘di kalakihang rebulto ni Dr Jose Rizal. Bago idineklarang bayan, ang Jordan (ipinangalan bilang alay sa patrong St. John the Baptist) ay dating bahagi lamang ng isa pang bayan sa Guimaras na Buenavista. Samantala, ang Guimaras na dating sakop ng Iloilo, at idineklarang munisipalidad ng mga mananakop na Kastila noong 1886. Sa bisa ng Republic Act 4667 ay idineklarang sub-province ng Iloilo ang Guimaras noong 1966. Nakahiwalay naman sa Iloilo at ganap na naging lalawigan ang Guimaras noong May 1992. – FRJimenez, GMA News