ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mga residente sa isang barangay sa Cebu, pinalilikas dahil sa peligro ng landslide


Nanawagan ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) sa mga residente ng Brgy Vive sa bayan ng Ronda sa Cebu na lumikas na dahil na rin sa mga bitak na nakita sa lupa dulot ng nagdaang lindol. Sa ulat nitong Martes ni Clad Fernando sa GMA News TV’s Balita Pilipinas Ngayon, sinabing posibleng pagmulan ng panibagong landslide ang mga bitak sa lupa lalo na ngayong nakararanas ng pag-ulan sa lalawigan. Ang nakitang bitak sa bulubunduking lugar sa Sitio Langin ay sinasabing halos tatlong kilometro ang lalim. Kabilang umano ang lugar sa mga nakasaad sa ginawang geohazard map. Tinatayang may 150 pamilya ang naninirahan sa paanan ng burol sa nabanggit na barangay. Narito rin ang isang paaralan na may 100 estudyante. Bagaman mayroon ng ilang residente na lumikas, mayroon ding ayaw umalis dahil hindi nila maiwan ang kanilang mga ari arian.- FRJ, GMA News