ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
TULA: Hiwaga ng Pag-ibig
HIWAGA NG PAG-IBIG ni KULASPIRO Bakit may puso ang tao? Para mabuhay o para magmahal? Bakit kailangang magmahal? Para mabuhay o para masaktan? Bakit kailangan masaktan? Para malaman mong ika’y nagmamahal O malaman mong ika’y buhay Dahil ika’y nasasaktan? Mabuhay, magmahal, masaktan… Bakit kay pait ang umibig? Bakit may pagmamahal? Pagmamahal pa rin bang masasabi Kung puro pasakit ang dulot Ng pag-ibig sa iyong buhay? Bakit nararamdaman natin ang umibig Kahit ang ating iniibig ay wala namang pag-ibig para sa atin? Ito ba’y para maramdaman lang natin Ang awa sa sarili sapagkat ang ating iniibig Ay may iniibig nang iba? Bakit kailangang umibig Sa taong wala namang pakialam Sa wagas na pag-ibig na handa mong ialay kanya? Tunay nga kayang bulag ang pag ibig? O ang tao lang na umiibig ang bulag? O ‘di kaya nama’y ang iniibig mo lang ang bulag, at manhid sa pag-ibig na kaya mong ibigay sa kanya? Bakit kailangang maging manhid ang pag–ibig? Hanggang kailan magiging manhid ang pag-ibig? May kamatayan ba ang pag-big? Bakit namamatay ang tao? Sa pagkamatay ba niya, wala na siyang pag-ibig na mararamdaman? Subalit bakit tila hanggang sa kabilang buhay... Ang nadarama kong pag-ibig para sa’yo? Ano ang kasalanan ko bakit ikaw pa ang iniibig ko? Kasalanan ba ang umibig sa taong walang pag-ibig sa’yo? Kabayanihan ba o katangahan?
Bakit kay sakit maging tanga? Tanga, manhid, walang pag-ibig… Bakit ako pa ang may ganitong klase ng pag-ibig? Hindi kaya sayang lang ang pag-ibig ko Kung patuloy akong magiging tanga? Pero masaya akong maging tanga Sapagkat ikaw ang iniibig ko… Kayang tanggapin ang lahat ng pasakit ng pag-ibig basta’t malaman mo lang na ika’y wagas kong minamahal. Hindi ko man kayang pigilin ang pag-ibig sa aking puso, o kahit magkaroon man ako ng kakayanang pigilin ang pag-ibig na ito, hindi ko pa rin gagamitin ang kakayahang iyon na pigilin ang pag-ibig ko sa’yo… sapagkat masaya akong iniibig kita. Ayos lang ang maging tanga Sapagkat hindi kasalanan ang umibig Ito’y biyayang galing sa Diyos Na dapat lang ibahagi sa taong iniibig mo. Oh! bakit kay hiwaga mo, pag-ibig? Hindi ko kailangang mapagod Hindi ko kailangang maghintay ng kapalit Subalit tao rin ako Marunong mapagod Mapagod sa trabaho Pero hindi trabaho ang umibig Ito’y isang banal na pakiramdam Pakiramdam na hindi dapat kapaguran Masaya na akong iniibig kita. Iniibig kita habang ako’y nasasaktan Nasasaktan sapagkat hindi mo batid kung gaano kita kamahal Mahal kita, subalit may iba kang minamahal Oh! kay hirap umibig Oh! kay hirap talagang umibig Subalit ang malaman ko lang kung gaano kita kamahal Kahit ako lang ang may alam, kung gaano kita kamahal... ay isa ngang katangahan Tanga ako sa pag-ibig Subalit matalino ako sapagkat ikaw ang iniibig ko. Iniiibig kita sa kadahilanang hindi ko alam Iniibig kita sa mga rasong mahirap marururok ng aking isipan. Basta… iniibig kita Wala nnag rason o dahilan kung bakit kita iniibig Basta ang alam ko, wagas kitang iniibig Iniibig kita dahil ikaw ang iniibig ko Ako kaya… kailan mo iibigin? Malamang ay hindi na… Dahil NGAYO’Y batid ko na... Hindi ikaw ang nakalaan para sa akin Sapagkat ang puso ko’y hinulma para sa iba. Oh! Pag-ibig! Kay hiwaga mo talaga. -– FRJ, GMA News

More Videos
Most Popular