ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Bangus Festival sa Dagupan, inihahanda na


Tuloy-tuloy na ang isinasagawang paghahanda ng Bangus Festival Committee para sa dalawang linggong aktibidad ng kapistahan sa Dagupan, Pangasinan. Gayunman, sinabi ni Coun. Brian Lim, executive chairman, Bangus Festival 2012, na sa mga sponsorship pa lang sila umaasa at wala pang pondong inilalaan ang lokal na pamahalaan. “Untimely na humingi kami, kasi ang city wala pang budget. We will maximize the resources, " ayon kay Lim. “Kung kakailanganin na, saka na kami hihingi ng tulong at pondo sa city." Kahit mas maigsi ang panahon ng selebrasyon ngayong taon, nilinaw ng komite na mananatili pa rin ang ilang pangunahing aktibidad. Kabilang ang “Pigar-pigar Festival" sa Galvan St. at ang “Kalutan Ed Dalan" na muling gaganapin sa downtown Dagupan. Mas mahaba ang kalutan ngayong taon na aabot umano sa walong daang bangus grill ang i-hihilera. Isasabay din sa Bangus festival ang paglulunsad ng "Dagupan’s Best Tasting Lechon." “Bangus pa rin ang product. I don’t think it will add confusion sa product ng Dagupan," paliwanag ni Lim. Ang Dagupan Artist Circle pa rin ang bibida sa festival kung saan magsasagawa ng mga art wall exhibit at bangus sculpture. Subalit panibagong materyales at istilo umano ang ipakikita sa kanilang ipipinta. -- JArcellana/GCalicdan/FRJ, GMA News

Tags: festival, bangus