CHED, walang magawa sa pagtaas ng miscellaneous fees sa darating na school year — Palasyo
Aminado ang Malacañang na walang magawa ng Commission on Higher Education upang pigilan ang pagtaas ng mga miscellaneous fee na ipapataw ng mga paaralan sa darating na school year. Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, magkakaroon ng mandatory consultation ang CHED hinggil sa miscellaneous fee hikes, ngunit sa School Year 2013-2014 pa ito mapatutupad. "Schools that plan to hike tuition will have to consult their students, alumni organizations and faculty before getting CHED’s approval. CHED chairperson Patricia Licuanan has issued an order requiring similar consultations in hiking miscellaneous fees but that order may not take effect this coming school year. It may take effect next year,” kanyang inihayag sa dzRB radio. “Sinasabi ng CHED lagi wala ho tayong control (or) regulation pagdating sa pagtaas ng miscellaneous fees,” dagdag niya. Samantala, mahigit 300 paaralan na ang humingi ng permiso mula sa CHED upang itaas ang kanilang fees sa darating na S.Y. 2012-2013. Ayon kay Valte, maliit lamang na bahagi ang 300 paraalan sa mahigit 2,000 higher education institution sa bansa. Aniya, hindi rin naman maaaring magtaas ang mga paaralan ng kanilang tuition kung walang pahintulot mula sa CHED. Dagdag pa niya, inaatasan na ng CHED ang mga paaralan na kumuha ng mga inpormasyon at inputs mula sa mga mag-aaral, alumni organizations, at faculty bago magpatupad ng tuition increase. “I think out of 2,000 higher education institutions, only 300 are asking permission to raise tuition. The hike would not be imposed by the applicants until they get a permit from the CHED,” aniya. Dagdag pa niya, mayroong guidlines na inihanda ng CHED sa pagtaas ng tuition. Sa mga naunang ulat, naghain ng panibagong guidelines ang CHED para mapaigi pa ang CHED Memorandum Order (CMO) 13 na ipinatupad pa mula noong 1998. Sa bagong guidelines, isinasama ang mga miscellaneous fee sa konsultasyon. Sa School Year 2013-2014 pa maipatutupad ang "enhanced" CMO. Inaakusahan naman ng ilang student groups ang school owners sa pagtatago ng tuition hike sa pamamagitan ng miscellaneous fees. — Amanda Fernandez /LBG, GMA News