Kailan pwedeng hulihin at pagmultahin ang mga bumibili ng pirated DVDs at CDs?
Malinaw sa batas na bawal magbenta ng mga pirated DVD at CD. Pero bagaman itinuturing malabo sa batas ang pananagutan ng mga bumibili ng ilegal na produkto, ipinaliwanag ng isang opisyal ng Optical Media Board (OMB) kung kailan pwedeng hulihin at pagmultahin ang suki ng piniratang DVDs o CDs. Sa ginayam panayam ni Kara David sa News To Go nitong Pebrero 28, inihayag ni Atty. Cyrus Paul Valenzuela, Executive Director ng OMB, na magpapatuloy ang paglaganap ng mga pirated DVDs at CDs hanggat mayroon mga taong tumatangkilik nito. Alamin natin kay Valenzuela ang mga hakbang na ginawa ng OMB tungkol sa naturang problema, at ano ang negatibong epekto nito sa pangkalahatan ng ekonomiya ng bansa at sa ating lahat. Narito ang kanilang talakayan sa isyu ng piracy sa bansa: KARA: Nagka-initan daw recently ang mga tindera ng mga pineratang DVD at CD at mga tauhan ng OMB sa may Baclaran. VALENZUELA: Nangyari noon ay mayroong isang vendor na ayaw niyang pa-ceased ang kanyang mga pirated DVD. Kasi kine-claim niyang iyon ang source of income niya para mayroon siyang mapakain sa pamilya niya. Nagwawala siya, ayaw niyang ipakuha... Usually madami na kaming ganitong instances, kasi nagkakaroon ng ganung … they try to do kasi is, they start a commotion para kapag nagkagulo nagmamadali kaming maka-alis sa lugar. Lalo na kapag nakita nila na hindi namin ganoon ka-secure yung lugar. Kasi minsan papasok kami sa lugar, akala namin mukhang okay naman, na na-secure na namin and then all of a sudden dumadami yung tao. KARA: Saan ba nanggagaling iyang pirated DVD at CD nila? Taga-benta lang sila di ba? They get it from a source. VALENZUELA: Usually mga consignee lang sila. They get it from a source and what happens actually, kapag nahulihan sila minsan, it works for their benefit pa kasi. For example, bibigyan iyan ng one week supply. Nagbenta na sila on a Monday, on a Tuesday tapos on Wednesday dumating ang OMB at sineased lahat iyan. Hindi nila idedeclare sa kinunan nila ang kinita nila ng Monday and Tuesday. Ang sasabihin nila 'kinuha ang supply ko wala akong nabenta'. Bibigyan ngayon sila ng bagong supply. KARA: Sa interview ko recently sa OMB chairman sinabi niyo na dumadami ang nasi-ceased ninyo na mga pirated DVDs. Pero bakit patuloy pa rin ang paglipana? Bakit hindi natin masugpo-sugpo? VALENZUELA: Number one, hangga’t may tumatangkilik, hangga’t may demand for that, talagang hindi matatapos iyan. And realistically there is no way for one country to say na kaya nilang i-zero ang piracy. Realistically ang target natin diyan is mapababa ng husto. In a way na siguro matanggal tayo sa mga kung anu-anong mga watch list or 'yung mga legitimate na market e 'yung profits ng Manila ay hindi masyadong makain. KARA: Ano bang implication kapag talagang naging talamak itong pamimirata ng mga DVD at CD. Kasi for consumers, ang iniisip lang nila, "okay nga iyan bibili ako ng mura." Pero hindi yata nila nakikita ang flip side to it. Ano ba 'yung implications nito? VALENZUELA: Number one na implication nito is 'yung mga pirated goods, not just talking about 'yung mga DVDs, piracy in general. Yung mga bags, gamot, airplane parts hindi nagbabayad ng taxes. Itong mga pirata sa gobyerno natin for the sale ng ano nila at kung anu-anong transaction nila. So 'yung mga taxes na dapat nag-generate ng gobyerno na pino-provide for road repairs, for medical care or social services ay hindi napupunta, hindi natin nagagamit. At the same time may mga implications kasi on international community kapag masyadong mataas ang piracy rate ng isang bansa. For example, mayroon tayong tinatawag na USTR (United States Trade Representative) na 301 report, 'pag masyadong mataas ang piracy rate natin. For example and malagay tayo sa... kasi right now, we are on a regular watch list. Before, we were at the priority watch list, ngayon bumaba tayo. Ang implication is, for example noong nasa priority watch list tayo 'pag nag-import tayo ng movies natin sa US, ang sinisingil na taxes diyan ang duties nasa mga 5%, mas malaki. Right now nasa regular watch list tayo. From 5%, it went down to point five percent (.5%). So siguro kapag matanggal tayo sa watch list, hindi na tayo sisingilin baka libre na iyon. At the same time even other products natin affected. KARA: Lahat po ng tumatangkilik ng mga pirated DVD akala natin nakakabuti para sa atin individually pero in the long run makakasama ito sa pangkalahatan. Unang-una, yung mga local producers, malulugi. VALENZUELA: Yung mga producer natin, mga artist natin. I think recently may record company nagdown grade and may mga artist na hindi na na-renew ang contract. Parang hindi naman magandang tingnan para sa… not just doon sa mga nawalan ng trabaho but doon sa music in general. Kumbaga sa art and culture natin in general. KARA: Pero hindi ba natitimbrehan ang mga tinderang ito kaya nahihirapan din tayo sa pagsugpo sa kanila? VALENZUELA: Maraming ways kasi para magtimbre. I'm not discounting the possibility na baka mayroon sa office naming. But kung mayroon man, we are very watchful sa movements ng aming mga tauhan. Lagi namin silang mino-monitor to make sure na wala sa kanila na magli-leak ng any information. At the same time kapag mayroon kaming nabalitaan, we conduct an investigation. Pero at the same time marami kasing factors we have to consider. Minsan 'pag nagkaroon kami ng isang target halimbawa, yung first target namin positive 'yan. Iyong subsequent targets namin for that day, wala na sarado na iyan. Lahat kasi ang mga unang target namin nag-text na 'yan. Sometimes ang ginagawa namin nagsa-simultaneous kami ng enforcement but ang nangyayari minsan eh spread our ranks very thin. Nahihirapan din kami in terms of manpower. KARA: Kasi sa sobrang daming naglipana talaga itong mga ito. Sinabi mo kanina sa akin na isa sa mga arguments ng mga tindera kapag kayo ay nagko-confiscate ay ito lang ang kanilang source of income. Para masugpo completely itong pagbebenta ng pirated DVDs, bigyan sila ng alternative sources of income? VALENZUELA: There have been instances where they were provided alternative sources of income. But what they did, sasabihin nilang, “mas malaki pa rin ang kita ko doon sa pagbenta ng pirated, mas madali." Tubong makaw kasi sila, maliit lang ang capital nila malaki ang kita and papabayaan na nila ang pinrovide sa kanila na alternative income. Babalik sila sa pamimirata. KARA: Sinabi mo kanina na bukod sa job ng OMB na sugpuin ang mga pirated DVDs mayroon din pong resposibilidad tayong mga consumer na sabi mo nga, walang magbebenta kung walang bibili. VALENZUELA: Kung walang demand, wala din namang (supply). KARA: Kasi ang question is paano mo malalaman which is pirated at alin ang original? Unang-una presyo. VALENZUELA: Presyo wise. Pero mahirap kasing umasa sa presyo dahil marami ngayon na gumagawa ng originals. They tried to compete na rin, so what they do binababa na rin nila ang presyo nila. So you would find the originals ngayon that sells P50.00 or P75.00. Yun nga lang, these are old titles. Ang daming iniisip kasi napakadali namang malaman kung ano ang pirated at ano ang hindi. But we actually had instances where other law enforcement agencies tried to confiscate yung mga akala nila pirated which turned out to be genuine. You have to understand kasi OMD we are specialized agency and we were provided with technical knowledge on how to determine talaga. KARA: Paano mo malalaman based on doon sa CD lang o sa DVD lang na ito ay pirated at hindi? VALENZUELA: First of doon palang sa itsura. KARA: We have three CDs dito (showing three CDs). VALENZUELA: Doon palang sa harap makikita mo minsan mayroong pangalan ng distributor ang original, local distributor. Yung mga pirated wala kasi most of it are imported so they distribute it. Hindi lang sa Pilipinas, they distribute it sa iba-ibang bansa pa. KARA: So hanapin mo ang distributor. VALENZUELA: Yes that's one, kasi 'pag nalaman mo ang distributor you can always verify kung talagang nag-release sila ng ganitong title o talagang sa kanila ito. On the back, parang magkamukha kasi pareho silang gawa ng replicating machine. But if you can see, kasi hindi natin mafo-focus ng husto siguro.... yung kasing original mayroon silang tinatawag na seed code, yung maliit na numbers. May mga certain watermarks na nade-determine. KARA: Ito po kung nakikita ninyo ito (showing the seed code) mayroon siyang number, anim na letters at saka dalawang numbers. VALENZUELA: It's IFPI ang then four numbers. KARA: Tapos itong kabila ( ng pirated CD) wala. So you look for this definitely its original. VALENZUELA: Kapag mayroon kasi niyan it means na naka-register iyan usually at mate-trace namin kung anong makina ang gumawa niyan. KARA: Ano pa 'yung mga palatandaan ng original? VALENZUELA: Other than that makikita niyo rin yung naka-engrave na title minsan, naka-laser engrave yung title at saka yung mold code na tinatawag. KARA: Ay oo, itong isa wala. Kapag ginanyan ninyo siya mayroon ditong makikitang title ng pelikula pero yung pirated wala. VALENZUELA: At the same time under ng batas natin sa RA 9239, automatic kapag walang seed code kahit anong claim mo na original that's illegal. KARA: So you look for the code at title na naka-engrave dito original yun. VALENZUELA: Isa pang sample ng peke, iba ang kulay niya, kulay blue. Kasi ito po hindi pressed copy, ito yung tinatawg na pressed copy. Gawa po ito ng replicating machine, galing po ito sa ganitong plastic from this plastic. Yung polycarbonate na tinatawag, tutunawin 'yan ginagawa na siyang DVD. KARA: Sigurado kayo kapag original maganda ang copy. VALENZUELA: Yes maganda ang copy. Ito yung tumatagal ng ilang taon o ng ilang gamitan. Pero yung mga ganitong klase (pirated), ito yung mga sinasabi nilang binebenta ng tig-twenty or fifteen pesos... KARA: Iba kulay tapos makikita ninyo walang code or anything. VALENZUELA: At saka iyan usually once or twice mo lang panoorin sira na. KARA: Once or twice lang panoorin yung pirated sira na agad. Pero itong original na mayroong code na makikita ninyo magtatagal ng ilang taon. VALENZUELA: At saka may guarantee po iyan. Kapag binili ninyo at hindi nag-play puwede ninyong ibalik iyan tapos papalitan nung pinagbilan ninyo. KARA: Mas sulit pa din bumili ng original. VALENZUELA: Mas sulit talaga at the same time makakatulong pa po tayo sa ating economy. KARA: Right. Ano pa yung parusa sa mga mahuhuling nagtitinda or bumibili ng pirated DVD? Una 'yung nagtitinda. VALENZUELA: Yung nagtitida ang parusa diyan ay minimum of 30 days imprisonment, maximum of 90 days. At the same time may fine iyan na P25,000 to P50,000 depending on the discretion of the judge. Yung judge na po ang magde-decide within 30 to 90 days. KARA: So yung mga tinderang nahuhuli ninyo sa Baclaran kung saan-saan, nagbabayad 'to? Nagpipiyansa ito ng P25,000? VALENZUELA: No, iyon yung fine na pwedeng impose sa kanila ng judge. Pero usually yung piyansa for that I think P10,000. KARA: Yung mga bumibili naman ng pirated DVD, may parusa ba 'yan? VALENZUELA: Yung bumibili medyo gray area tayo sa bumibili. Under ng batas natin RA 9239 walang nakasulat na penalty for act of buying although. Mayroon for act of possessing. So if you possess mga pirated DVDs its still possible, but it has to be yung possession mo in commercial quantities. Meaning may intent for you to profit from it. KARA: So ibig sabihin, 'pag bumili ka ng isa-isa walang kaso ‘yon, pero kapag bumili ka ng madami na mukhang parang ibebenta mo na, puwede ka nang makasuhan. Ano yung madami? VALENZUELA: Under po ng batas natin its six pieces na iba't-ibang titles or three pieces na same titles. That creates a presumption against you na may intent ka to profit. KARA: Tandaan niyo iyon ah, anim na iba-ibang title, o tatlong pare-pareho puwede ka ng mahuli. Ano ang multa? VALENZUELA: Same po. Puwede kang makulong ng 30-90 days o puwede kang magmulta ng P25,000 to P50,000. KARA: Pero mga Kapuso ke maparusahan kayo or hindi huwag na po kayong bumili ng mga pirated DVD kasi hindi nakakatulong sa ekonomiya at pangit pa ang copy. Hindi rin sulit sa pera. VALENZUELA: At saka may posibility po na baka masira ang mga makina nila. One way of determining pa rin po kung pirated is makikita nila and dami ngayong nagkalat nakasulat blue ray. KARA: Yes, parang nakalagay sa tin can na magandang packaging... VALENZUELA: Tandaan po nila ang blue ray po hindi DVD. Iba and DVD, iba ang VCD, iba ang blue ray. Meaning 'pag sinaksak mo ang blue ray sa DVD machine mo, hindi magpi-play. Dapat may blue ray machine ka para i-play ang isang blue ray na disk. KARA: Or baka masira ang blue ray machine mo gano’n ba? VALENZUELA: Hindi naman, hindi lang siya mababasa kasi ibang format siya. Kung sinasabi na blue ray copy at play mo sa DVD player ibig sabihin po peke po 'yan. Niloloko lang kayo na blue ray iyan, blue ray copy or kinopya sa blue ray, pero it's still a DVD copy. KARA: Okay maraming maraming salamat Atty. Cyrus Paul Valenzuela ng Optical Media Board. – FRJ, GMA News