ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pintados de Passi festival, idinaos sa Iloilo


Walong tribu mula sa iba’t ibang barangay ng Passi, Iloilo ang nagpaliksahan sa taunang Pintados de Passi Festival sa nabanggit na lalawigan. Sa ulat ng GMA News TV Balitanghali nitong Martes, sinabing ipinamalas ng mga kalahok mula sa walong tribu sa Passi ang kanilang mayamang kultura. Maliban sa makukulay na costume, puno rin ng pinta o tattoo ang katawan ng mga performer. Ipinamalas rin ng ilang grupo ang mga sikat na produkto sa kanilang lugar gaya ng piña at saging, at maging ang paraan ng pangangaso. Ipinagdiriwang ang Pintados de Passi bilang pag-alaala sa mga “pintados" o mga mandirigmang nanirahan noon sa lugar na puno ng pinta sa katawan. Pag-alaala rin ito sa makulay na kasaysayan at kultura ng kanilang bayan. -- FRJ, GMA News

Tags: iloilo, festival