ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

DILG chief, binigyan ang mga pulis ng 1 linggo upang lutasin ang pananambang sa Tribune reporter


Binigyan ni Interior Secretary Jesse Robredo ng isang-linggong deadline ang Pasig City police upang lutasin ang pamamaril sa isang mamamahayag noong Marso 11.
 
Kasabay nito, inatasan ni Robredo si Pasig City police chief Senior Superintendent Jessie Cardona na isuspinde ang mga pulis na naugnay sa kaso, ayon sa ulat ng radio dzBB.
 
Ayon kay Robredo, mabibigyan ng karampatang parusa ang mga naugnay sa pananambang kay Daily Tribune reporter Fernan Angeles, ayon sa ulat.
 
Binugbog at binaril si Angeles malapit sa kanyang bahay sa Pasig City noong Marso 11. Suma-ilalim siya sa operasyon sa Pasig City General Hospital.
 
Nitong nakaraang linggo, inihayag ni Angeles na maaaring drug-related ang pag-atake sa kanya. Dagdag nito, maaaring mayroong mga police personnel na nakatanggap ng salapi mula sa trade.
 
Sa kabilang banda, inihayag ng Eastern Police District na maaaring subject si Angeles sa arrest warrant para sa isang drug-related offense.
 
Samantala, pinaalala ng Malacañang nitong Linggo ang EPD na sundin nito ang utos ni Robredo at sa kasong kanilang hawak -- ang pananambang kay Angeles noong Marso 11.
 
“Sinabi namin there should be concentration on finding the assailants ... Kahit pa sinabi we are expecting movements in that the EPD kung ano ang involvement nila, they should focus on solving the case at hand,” ani Valte sa panayam ng government-run dzRB radio.
 
“(T)hey should coordinate with Sec. Robredo on the progress of the investigation on how to go about the investigation and concentrate on finding the rest of the assailants,” kanyang dagdag.
 
Sa ngayon, naaresto na ng mga pulis si Faisal Sangcopan kaugnay ang pananambang. Itinanggi na ni Sangcopan ang mga alegasyong inihain laban sa kanya.
 
Nagresulta sa broken right arm ang pananambang kay Angeles, na nagco-cover ng Malacañang beat para sa pahayagang Daily Tribune, ng broken right arm. Nakatamo rin siya ng pitong gunshot wounds sa kanyang katawan. — Amanda Fernandez/RSJ, GMA News