ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Rebulto ni Bonifacio


Alan ba ninyo kung ilan ang pigura na makikita sa monumento ni Gat. Andres Bonifacio na idinisenyo ni Guillermo Tolentino sa Monumento circle sa Caloocan City? Taong 1933 nang ipakita sa publiko ang monumento ni Bonifacio bilang pagkilala sa kanyang katapangan. Mayroon itong 23 pigura na naglalarawan sa paghihirap at pakikipaglaban ng mga Filipino laban sa Kastila. Kabilang sa mga pigura ay sina Emilio Jacinto, at ang tatlong martir na pari na sina Gomez, Burgos at Zamora.- GMANews.TV