ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Biggest at smallest fish


Alam nyo ba na napakayaman ng karagatan ng Pilipinas at dito makikita ang pinakamalaki maging ang pinakamaliit na isda? Batay sa mga pahayag ng mga marine biologists, ang pinakamalaking isda ay whale shark o mas kilala sa tawag na butanding na kayang lumaki sa mahigit 50 feet na may tone-toneladang bigat. Pinakamaliit naman ang Pandaka pygmaea o dwarf pygmy na tinatayang aabot lang sa 9.66 millimeters o .38 inches ang haba. Sa kanyang liit, nasapawan ang dating bulilit king na Sinarapan o tabyos.-GMANews.TV