ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

101 ways sa pagluto ng bangus, ipinamalas sa Dagupan


Ipinamalas ng mga kalahok sa 101 Ways To Cook Bangus contest ang kanilang galing sa paglikha ng iba’t ibang recipe ng sikat na bangus na nanggagaling sa Dagupan, Pangasinan. Bukod sa paraan ng pagluluto, naging simbolo rin ng bawat stalls ang kulturang pinagmulan ng putaheng kanilang ihahanda. Si Chef Salvador Austria, isa sa mga kalahok, Korean ang tema ng booth. Lalagyan daw niya ng twist na mala-Korean style ang putaheng bangus na kanyang ihahain. “The more na maanghang, the more the masarap," pahayag ni chef Austria. Binigyan lang ng tig-tatlong oras ang bawat kalahok na lutuin ang kanilang mga putahe. Kabilang sa kanilang ihahain ang appetizer, soup, main course at chef signature dish na kasama rin ang talakitok, lapu-lapu at talaba sa kanilang ihahain. Ayon kay Geri Domingo, chairman ng kompetisyon, dapat maging kaaya-aya sa paningin, bukod sa masarap ang mga ilalabang putahe. Ilan sa mga ibinidang luto ay ang Italian style pesto bangus soup, Korean recipe bangus panchang at baked bread with bangus toppings. Ilang Kapuso stars din ang inimbitahang na maging hurado. Napabilib sila sa sarap ng inihaing mga putahe ng mga kalahok. “Enjoy na enjoy kami. Tasty lahat ng mga recipe," sambit ni Chef Rosebud Benitez, host ng Quick Fire. “Masarap kahit bangus lang ang ginamit, may twist ito," ayon naman kay Steven Silva, Starstruck Ultimate Survivor. -- JFPonsoy /GLCalicdan/FRJ, GMA News