ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

14 milyong single parents may maaasahan sa solo parents bill


Tinatayang aabot sa 14 milyong single parents sa buong bansa ang mabibigyan ng dagdag-benepisyo kung lubusan nang mapagtibay ang panukalang "addtional benefits to solo parents." Ito ang pahayag ni Rep. Carol Jayne Lopez ng YAKAP Party-list group, na siya ring may-akda ng naturang panukala sa Kamara. Noong June 4, ipinasa ng Lower House ang House Bill (HB) 6184, na naglalayong amyendahan ang Republic Act (RA) 8972 o ang Solo Parents Welfare Act.   Karagdagang mga benepisyo ang maaasahan ng single parents kung tuluy-tuloy na mapagtibay ng buong Kongreso ang naturang panukala. Kabilang sa mga inaasahang benepisyo ay:

- 10 percent discount on childrens’ clothing materials for all the purchases made within 2 years from the child’s birth - 15% discount on baby’s milk and food supplement in the first two years of the child - 15% discount on all purchases of medicines and other medical supplement or supplies - mas maikling "waiting period" sa pag-apply ng single parent (SP) ID – kung dati ay isang taon, ngayon ay 6 na buwan na lamang  
Samantala, mapaparusahan naman ang mga hindi susunod sa pagbibigay ng discounsts sa mga single parent. Mula P10,000 hagang P200,000 ang multa sa mga violator at pagkakabilanggo na hindi bababa sa 1 taon. Sa panayam ng GMA News Online kay Ms. Carina A. Javier, pangulo ng Department of Social Welfare and Development Central Office-Solo Parents  Support Group, sinabi niyang sa kasalukuyan "may mabibiyayaan na 170, 000 na solo parent-beneficiaries" sa ilalim ng DSWD Pantawid Pamilyang Pilipino Program."
DSWD-Solo Parents Support Group's orientation on House Bill 6184.
Ayon sa kanya, mahalaga ang pagbuo ng support groups para sa solo parents sa ikatatagumpay ng anumang programa para sa kanila. Aniya, ang istratehiyang nabanggit ay bahagi ng  DSWD Administrative Order No 86 sa pamumuno ni Secretary Dinky Soliman para epektibong masuportahan ang solo parents sa lugar ng kanilang pinagtatrabahuhan. Ang nasabing pagbubuo ng mga grupo na tutulong sa pagpapahusay ng mga miyembro mula livelihood program, skills training, psychological intervention at remedial measures at  iba't ibang paraan sa pag-angkop sa kanilang kalagayan ay bahagi ng komprehensibong programa na iminumungkahi ng DSWD. Kabilang sa mga tinatawag na solo parents ay ang mga namatayan ng asawa,  inabandona ng asawa, mga may asawang OFWs, may mga asawang 'di na makapagtrabaho dala ng pagkakasakit o physical disability. Samantala, naghain din ng kahalintulad na panukala si Sen. Loren Legarda na nakababinbin sa mataas na kapulungan mula pa noong Setyembre 2010.   Kapag maipasa ng senato ang sarili nitong bersyon at makalusot sa bicameral conference committee ang pinag-isang mga panukala, handa na itong ratipikahan ng dalawang kapulungan. Matapos ito, ihahain na ang panukala para pirmahan ng presidente. — Ding dela Cruz /LBG, GMA News