ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Lugar na gumuho ang lupa sa Davao City, idineklarang landslide-prone area ng MGB


Tinatayang 60 pamilya ang lumikas sa Barangay Marilog, Davao City matapos ideklarang landslide-prone area ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) ang lugar kung saan nagkaroon ng pagguho ng lupa noong Lunes. Isang bata ang nasawi sa naganap na pagguho ng lupa sa kabundukan sa Sitio Landian, Brgy Marilog, ayon sa ulat ng GMA News TV Balita Pilipinas Ngayon nitong Miyerkules. Binigyan naman umano ng lokal na pamahalaan ng lupa sa ligtas na lugar ang mga apektadong residente upang makapagpatayo sila ng bago nilang matitirhan. Sinusuri na rin ng MGB ang iba pang kalapit na lugar na kinakitaan ng bitak sa lupa, ayon pa sa ulat. - FRJ, GMA News