ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Batikang singer-actress na kapatid ni JPE


Kilala niyo ba kung sino ang batikang singer, actress, at film producer na kapatid ni Senate President Juan Ponce Enrile? Kapatid sa ama ni Sen. Enrile ang batikang singer-actress na si Armida Siguion-Reyna. Si Sen. Enrile ay anak ni Atty. Alfonso Ponce Enrile kay Petra Furagganan, habang si Armida ay anak ni Atty. Enrile kay Purita Liwanag. Bukod sa husay sa pag-arte, nakilala rin si Armida sa kanyang mga awiting Kundiman. Naging host siya ng kanyang award-winning musical TV show na “Aawitan Kita." Nagsilbi rin siyang chairperson ng Movie, Television, Review and Classification Board (MTRCB), kung saan ipinaglaban niya na mabigyan ng kalayaan ang sining sa paggawa ng pelikula. Si Armida ang nasa likod Reyna Films na nag-produce ng ilang award-winning movies gaya ng "Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin," Hihintayin Kita Sa Langit, at "Ikaw Pa Lang Ang Minahal." - FRJ, GMA News

Tags: pinoytrivia