11 opisyal ng PNP, sinibak dahil sa chopper scam na naganap sa ilalim ng Arroyo govt
Pinatawan ng pinakamabigat na parusa ng Philippine National Police (PNP) ang 11 nitong opisyal na nasangkot sa kontrobersiyal na pagbili ng mga helikopter na naganap sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Bukod sa ilang opisyal ng PNP, kasamang kinasuhan sa pagbili ng tatlong helikopter si dating First Gentleman Mike Arroyo. Sinasabing dalawa sa tatlong helikopter na ipinagbili sa PNP sa presyong brand new noong 2009 pero mga second-hand ay pag-aari umano ni G. Arroyo. Nauna nang pinabulaanan ni G. Arroyo ang akusasyon. Sa isang pahayag nitong Sabado, sinabi ni PNP spokesman Senior Supt. Generoso Cerbo Jr., na ang parusa sa mga opisyal ng pulisya ay batay sa ipinasang resolusyon ng Office of the Ombudsman noong May 30, 2012, at inaprubahan noong June 1, 2012. Sinibak sa serbisyo simula June 15, 2012 sina: 1.CSupt Luis Saligumba 7. Supt Ermilando Villafuerte 2. CSupt Herold Ubalde 8. CInsp Ma. Josefina Recometa 3. SSupt Job Nolan Antonio 9. SPO4 Ma. Linda Padojinog 4. SSupt Mansue Lukban 10. SPO1 Avensuel Dy 5. SSupt Edgar Paatan 11. NUP Ruben Gongona 6. Supt Roman Loreto Kasama sa parusa ang pagtanggal sa kanilang mga retirement benefits at diskuwalipikasyon na humawak ng anumang posisyon sa gobyerno. Samantala, suspindido naman ng anim na buwan simula June 15 hanggang Dec. 15, 2012 sina: 1.SSupt Joel Crisostomo Garcia 4.NUP Emilia Aliling 2.SPO3 Jorge Gabiana 5.NUP Edwin Chavarria 3.PO3 DIonisio Jimenez 6.NUP Edwin Maranan Dahil naman sa kasalanang "Serious Dishonesty and Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service," binawasan naman ang sahod na katumbas ng isang taon sa kanilang accumulative leave credits, kinansela ang retirement benefits, at hindi na maaaring humawak ng posisyon sa gobyerno ang mga nagretirong sina: 1.P/Dir Leocadio Santiago Jr. (Ret 16 March 2012) 2.P/Dir George Piano (Ret April 8, 2012) 3.P/Supt Claudio Gaspar Jr (Ret Feb 2, 2012) — FRJ, GMA News