ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Tinupok ng apoy ang unang Quiapo church


Alam ba ninyo na walang natira sa unang simbahan ng Quiapo nang masunog ito noong 1636. Ang unang simbahan ng Quiapo ay gawa lamang sa kawayan at nipa na itinayo noong 1586 na pinangunahan ng mga Franciscan missionaries nang masunog ito. Ilan pa sa mga trahedyang sinapit ng simbahan ay sunog noong 1791 at 1929. Mga lindol noong 1645 at 1863. Bukod rito ang mga bombahan sa Maynila noong 1945 World War II. Taong 1899 naman nang isagawa ang reconstruction ng simbahan na sinasabing tinutukan nina Rev. Eusebio de Leon at Rev. Manuel Rexes.