ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Sino si ‘F.B. Harrison’ na ipinangalan sa isang kalye sa Maynila?


Alam niyo ba na ipinangalan sa isang Amerikano na naging gobernador-heneral ng Pilipinas ang kalyeng “F.B. Harisson" na makikita sa Maynila. Sa kanyang pagmamahal sa bansa, dito na niya piniling mailibing. Ang "F.B." sa kalyeng F.B. Harrison ay hindi pinaigsing “FaceBook." Ito ay Francis Burton Harrison, pangalan ng dating Amerikanong mambabatas at nagsilbing governor-general sa Pilipinas mula 1913 hanggang 1921. Nakilala si Harisson na tunay na may pagmamalasakit para maging indipedyente ang Pilipinas. Isinulong niya ang mga patakaran na magpapadali para maging malaya ng Pinoy sa kamay ng mananakop na mga kababayan niyang Amerikano. Kahit naisalin na sa mga Pilipino ang pamamalakad sa bansa, kinuha pa rin ng mga naging pangulo ang kanyang tulong para maging tagapayo sa pamamahala. Sa limang naging asawa ni Harrison, pinakahuli rito ay Pinay na si Maria Teresa. Nang pumanaw siya habang nasa Amerika noong Nobyembre 1957, ibinalik siya sa Pilipinas para mailibing sa Manila North Cemetery at mapagbigyan ang kanyang kahilingan. - FRJ, GMA News

Tags: pinoytrivia