ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Bahagi ng kalsada sa Taft Ave na malapit sa La Salle, gumuho


Nagdulot ng pagsisikip sa daloy ng trapiko ang ginawang pagsasara sa isang bahagi ng Taft Avenue na malapit sa De La Salle University sa Maynila matapos itong gumuho nitong Biyernes ng gabi. Nakasaad sa opisyal na pahayagan ng DLSU na "The LaSallian," nangyari ang insidente sa tapat ng ginagawang condominium ng SM Development Corp (SMDC) Green Residence, katabi ng Andrew Building. "The south bound lane of Taft Avenue from Quirino to Vito Cruz was closed due to a portion of the road caving in," ayon sa The LaSallian. Dahil sa pagsasara ng kalsada, pinayuhan ng Metro Manila Development Authority ang mga motorista na iwasan muna ang nasabing kalsada. "Taft Quirino to Vito Cruz [south bound], is closed to traffic (dahil sa kumalat na lupa sa kalaye sa ginagawang SM Hypermart). Expect Heavy traffic," pahayag ng MMDA sa Twitter account nito. Inaalam pa ang sanhi ng pagguho ng lupa at hindi pa rin nagpapalabas ng opisyal na pahayag ang mga opisyal ng SMDC tungkol sa naturang insidente. Agad na kumalat sa mga social networking sites ang insidente "Hope no one got hurt from the SMDC Green Residences construction. :-) It caused the closure of the SB of Taft Avenue. Hope everyone's okay!," ayon sa Twitter user na si "Margaret" (@derpinya), Isinisisi rin ng ilan sa isinasagawang konstrukisyon ng gusali sa naganap na insidente. Nangyari ang insidente matapos na bumuhos ang malakas na ulan sa bahaging iyon ng Maynila. Mayroon ding nanawagan na dapat ginawa ang mga tamang construction procedures para naiwasan ang sakuna. "No shoring installed that's why it collapses along side of excavation for the foundation construction...non conformance with the construction procedures to maintain safety status...," sabi ni Betsbo HassanAli Verano Betonio sa Facebook page ng The LasSallian. Ayon naman kay Cynthia Marissa Mallari Reyes, dapat sisihin ang mga baradong kanal sa ilalim ng Taft Avenue. "Sounds familiar. Similar sights are found in the streets of downtown montreal [Canada] due to aging water pipes & sewers," sabi niya sa isang comment pa rin sa The LaSallain Facebook page. - JGV/FRJ, GMA News