ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
2 magkasunod na lindol yumanig sa Zambales
Dalawang lindol ang tumama kaninang madaling araw ng Linggo sa probinsya ng Zambales, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Sa isang bulletin, tiniyak naman ng Phivolcs na wala namang napabalitang nasaktan o nasirang ari-arian dahil sa parehong pagyanig.
Ayon sa datos ng Phivolcs, naitalang nangyari ang unang lindol ng 4:12 a.m. Ito ay may lakas na magnitude 5.3.
Ang epicenter nito ay nasa 85 kilometro timog-kanluran mula sa Iba, Zambales at may lalim na 33 kilometro.
Hindi pa kaagad matukoy ang mga ispesipikong mga lugar na nakaramdam ng paglindol, ngunit napagalaman nang tectonic ang origin nito.
Halos matapos ang oras, isa pang lindol ang nangyari sa San Felipe, Zambales bandang 4:48 a.m.
May lakas na 3.7 magnitude ang lindol na bahagya raw naramdaman sa Maynila.
Hindi pa matukoy kung ang pangalwang lindol ay aftershock ng una.
Samantala, ang United States Geological Survey naman ay naitala ang unang pagyanig sa mas mahinang lakas na magnitude 4.9.
Ayon pa sa USGS, ganito ang layo ng episentro sa mga nasabing lugar:
- 34km west of San Nicolas, Zambales
- 36km west-southwest of San Narciso, Zambales
- 37km west-southwest of San Felipe, Zambales
- 41km west of San Antonio, Zambales
- 134 km west-northwest of Manila. — DVM, GMA News
Tags: earthquakezambales, zambales
More Videos
Most Popular