ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Unang Pinoy Olympian


Taong 1924 nang unang sumali ang Pilipinas sa Olympic na ginanap sa Paris, France. Kilala niyo ba kung sino ang nag-iisa at kauna-unahan nating manlalaro na isinabak sa prestihiyosong torneo? Ang world class sprinter na si David Nepomuceno ang kauna-unahan at nag-iisang atleta na pumasa at ipinadala ng Pilipinas sa unang pagsali sa Olympics noong 1924. Edad 24 lamang si Nepomuceno nang makipagsabayan siya sa mga dayuhang atleta sa larangan ng 100m at 200m run. Nabigo siyang magkapag-uwi ng anumang medalya sa naturang kompetisyon. Hindi na muling nakasabak sa Olympics si Nepomuceno na pumanaw sa edad na 39 noong September 1939. -- FRJ, GMA News

Tags: pinoytrivia