ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Umaapoy na tubig sa Iloilo, ‘di dapat inumin – DOH


Pinayuhan ng isang opisyal ng Department of Health ang publiko sa Sta. Barbara, Iloilo na huwag makipagsapalaran sa pag-inom ng tubig mula sa poso na posibleng nahaluan ng kemikal kaya nagliliyab. “Huwag n’yo muna inumin iyan. Tutal may magagawa naman tayong mga test. This thing fascinates people…" payo ni DOH assistant secretary Eric Tayag, sa ulat ng GMA News TV’s SONA with Jessica Joho nitong Biyernes. Ayon pa kay Tayag, may katulad na rin umanong kaso na nangyari sa Amerika na idineklarang safe inumin ang tubig na nagliliyab na nahaluhan ng methane -- ang combustible chemical na isa sa mga pangunahing taglay ng natural gas. Makikipag-ugnayan umano ang DOH sa mga lokal na opisyal sa Sta. Barbara upang masuri nang husto ang tubig na bagaman may kakaibang kulay ay manamis-namis umano ang lasa. Isa sa mga poso na nagliliyab ay nakalagay sa loob ng isang eskwelahan. Dito kumukuha ng tubig-inumin ang bata. Sinabi ng isang guro na pito sa 11 poso na ipinasuri ay sinasabing hindi na ligtas inumin. -- FRJ, GMA News

Tags: iloilo