ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Mga sundalong napatay sa bakbakan sa Basilan, pinangalanan na ng militar
Inilabas na ng Philippine Army ang mga pangalan ng 10 sundalong napatay dahil sa bakbakan kontra Abu Sayyaf nitong Hulyo 26 sa Barangay Cabengbeng, Sumisip, Basilan.
Kinilala ang mga napatay na sundalo bilang sina:
Pfc Segundiano G. Tamayo Jr.,
Pfc Rey C. Evangelista,
Pfc Arnold D. Coresis,
Pfc Cleto A. Algayan,
Pfc Kennith John D. Maribao,
Pfc Jose Marvin V. Talamante Jr.,
Pfc Mark B. Ocampo,
Pfc Arwin C. Martirez,
Cpl Jerry N. Areglado, at
Pfc Erwin Alerta.
Nitong Linggo ng 3:30 ng madaling araw, pinamunuan ni Lt. Gen. Emmanuel T. Bautista ang military honors sa mga sundalo sa Libingan Ng Mga Bayani sa Fort Bonifacio, Taguig.
Nakatanggap na ang kanilang mga beneficiaries ng Special Family Assistance mula sa Philippine Army at pati na rin ang P20,000 mula sa Scout Ranger Regiment. Kasalakuyan naman pinoproseso pa ang iba pang mga benipisyo na kanilang matatanggap.
Sa limang sundalong idinala sa sementeryo, si Pfc. Talamante ang ililibing sa Libigan. Nais ng mga pamilya ng natitirang apat na sundalo na dalhin sa kani-kanilang mga probinsya ang labi ng kanilang minamahal na kamag-anak. — Mandy Fernandez/DVM, GMA News
More Videos
Most Popular