ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Opisyal ng DPWH na napagkatuwaan sa Facebook, marami umanong natutunan
By Amanda Fernandez, GMA News
Marami umanong natutunan ang isa sa tatlong opisyal ng Department of Public Works and Highways na napagkatuwaan noong 2011 sa Facebook gamit ang kanilang retrato na ipinatong sa kung saan-saang background photos gamit ang PhotoShop editing software. Ilang buwan na ang nakalipas mula nang kumalat sa mga social networking site ang isang public relations photo ng DPWH ng tatlong opisyal na nagsagawa ng inspeksyon sa Baywalk sa Roxas Boulevard matapos magiba ang seawall doon dahil sa malakas na pag-ulan at alon na dala ng Bagyong Pedring.

Ang umano'y pekeng retrato ng tatlong DPWH officials na inilagay sa Facebook page ng ahensya noong 2011.
- website; (http://www.dpwh.gov.ph) - Facebook; (https://www.facebook.com/dpwhco) - pagpapadala ng text message sa 2920; at - pagtawag sa kanilang call center sa 16502.
Sa ngayon, nakikita na ni Tagudando ang mabuting aspekto ng social networking sites. Karamihan sa mga reklamong nakukuha nila ay mula sa Facebook. "Ang pinakamabili sa amin ay ang Facebook account, ang dami talagang complaints na ipinadadala diyan," aniya. Ayon sa kanya, nais umano ni DPWH Sec. Singson na gamitin ng mga mamamayan ang mga ito para mapabilis ang pagresponde ng departamento sa mga reklamo upang maiparamdam sa mga tao na "hindi natutulog ang DPWH." Upang mabigyang solusyon ang mga problema, mahalagang ipaalam muna sa kanila ang mga problemang may kinalaman ang ahensya. Dagdag niya: "Alam mo naman, may tao kami, pero hindi lahat ng sulok ng kalye ng Metro Manila nakikita namin. Sa iisang araw, hindi namin kayang tignan lahat." — LBG, GMA News Tags: dpwhoffials, meme
More Videos
Most Popular