ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

'Math-tiniks' ng Urdaneta City, Pangasinan, nag-uwi ng mga medalya mula sa Hong Kong


Tatlong mag-aaral mula sa Urdaneta City, Pangasinan ang nag-uwi ng mga medalya sa sinalihan nilang International Mathematics Competition na ginanap sa Hong Kong. Isang gold at isang silver medal ang naiuwi ng Grade 2 pupil na si Janssen Reign Peña. Samantalang ang magkapatid na sina Lyra Winette Tamayo, Grade 6; at Lyle Wenzel Tamayo, Grade 4, ay nagwagi naman ng dalawang silver at isang bronze medals. Ayon kay Lyra Winette, masaya siya sa nakamit nila hindi lang para sa kanilang paaralan kundi para sa bansang Pilipinas. Bukod sa Pilipinas, mayroon pang limang bansa na kalahok sa naturang kompetisyon na ginanap sa Hong Kong kamakailan. Ayon sa guro na si Fely Dameg, sadyang mahilig sa math ang tatlong bata. Dahil kadalasang inaayawan ng mga mag-aaral ang math, hinikayat naman ng tatlong “math-tinik" ang mga kabataan na unawain at mahalin ang naturang subject. -- JSSegui/GLCalicdan/FRJ, GMA News