ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
NDRRMC: Bilang ng namatay sa bagyong Gener umakyat na sa 45
Umakyat pa sa 45 ang kabuuang bilang ng mga namatay sa pananalasa ng bagyong Gener sa bansa noong nakaraang linggo. Sa panayam ng dzBB kay National Disaster Risks Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos, sinabi nitong nadagdagan pa ng apat ang bilang ng mga namatay. Ayon kay Ramos, apat na miyembro ng isang pamilya sa Cabaluran, Midsalip, Zamboanga del Sur, ang napaulat na namatay dahil sa umano'y mudslide. Sa pinakahuling update ng NDRRMC, kinilala ang apat na namatay na sina:
- Miguel Mandao, Sr., 46-anyos - Miguel Mandao, Jr., 13-anyos - Mario Mandao, 8-anyos - Belman Mandao, 4-anyos
Ayon sa datos ng ahensya, 26 sa kabuuang 45 na namatay ay dahil sa pagka-lunod, 11 ang nabagsakan ng mga puno, at ang iba pa ay dahil sa landslide at pagkakuryente. Umaabot naman sa 35 ang bilang ng nasugatan, habang anim ang missing pa rin hanggang sa nagyon. Bumaba naman umano ang bilang ng mga tao na nanatili pa rin sa 94 na evacuation centers. Sa kabuuan, nasa 14,181 na lamang umano ang bilang ng evacuees na nananatili sa evacuation centers. Umabot naman sa P339,806,796.20 ang halaga ng nasirang public infrastructures, private properties at sa agrikultura. — LBG, GMA News More Videos
Most Popular