ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Misteryosong bitak sa lupa, nakita sa Janiuay, Iloilo
Palaisipan ngayon sa mga residente sa isang barangay sa bayan ng Janiuay, Iloilo ang biglang pagsulpot ng isang bitak na patuloy umanong humahaba. Sa ulat ng GMA News Balita Pilipinas Ngayon, napansin umano ng mga residente ng Sitio Bugtong sa barangay Tiringanan, Janiuay ang paglabas ng bitak sa lupa matapos ang paglindol noong nakaraang linggo. Bukod sa pagyanig ng lupa, may narinig umanong pagsabog sa ilalim ng lupa ang mga residente sa lugar. Nangangama ang mga residente sa lugar dahil patuloy daw na lumalaki at humahaba ang bitak. Hihingi naman ng tulong ang lokal na pamahalaan sa Mines and Geosciences Bureau para malaman kung ano ang dahilan ng pagkakaroon ng bitak sa lupa na ngayon lamang umano nila naranasan. -- FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular