ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Ang unang palasyo sa Pilipinas
Maniniwala ba kayo na ang unang palasyo sa Pilipinas na naging bahagi ng kasaysayan ng bansa ay nabili lamang sa halagang P1,100.00? Taong 1802 nang bilhin ni Luis Miguel Formeno ang palasyo sa halagang P1,100.00--mula sa orihinal na may-ari nito na si Don Luis Rocha. Ang naturang palasyo ay kilala na ngayon sa tawag na âMalacanang.â Binili naman ng pamahalaang Kastila ang palasyo kay Formeno taong 1825 para gawing tahanan ng Gobernador-Heneral ng Pilipinas. Naging opisyal na tahanan ng pangulo ng bansa ang Malacanang noong 1937 at si dating Pangulong Manuel Quezon ang unang presidente na nanirahan dito.-GMANews.TV
More Videos
Most Popular